Winwyn Marquez defends boyfriend Mark Herras against basher

IMAGE Noel Orsal

Hindi nagpaawat ang magkasintahang Winwyn Marquez at Mark Herras sa pagsagot ng mga bashers nila sa Instagram. Below the belt na rin kasi ang ilang mga banat ng bashers. 


Hindi pa rin tinatantanan ng bashers sina Mark Herras at Winwyn Marquez.

Kahit binigyang-linaw na ng aktor ang tungkol sa engagement at sa diumano’y pagbubuntis ni Winwyn, hindi pa rin tumitigil ang ilang netizens sa iba pang akusasyon laban kay Mark.

Sa post ni Mark sa Instagram noong Linggo, February 19, may nagkomento ritong isang netizen.

FYI.... nag celebrate kame ng Valentine's day sa japan :) nagenjoy kaya nga #thebestvacationeveeeeeeeeeer !!!! Anebe! At eto kameng dalawa nagdadasal dahil iisa lang naman ang diyos nating lahat.... nagdadasal kame para sa mas maraming bagay... work,health,family,love,friends,paghingi ng sorry sa mga kasalan.... we are not test engaged dahil Sympre i will ask permission sa mga magulang ni wyn... Dahil un ang tama at dapat ko syang buhayin :) db? FYI she's not pregnant wag kasi masydo assuming ang mga tao... I'm sorry dahil sa mga pinost ko at captions etc etc... Mahal ko yung tao at ipagsisigawan ko sa buong mundo un.... She's not ready she has a lot of plans pa sa buhay at gusto kung matupad nya lahat un... So thank you sa mga good comments & thank you din sa mga bad comments... :)

A post shared by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

Pero binura na ng Kapuso star ang nasabing komento, pero makikita pa rin ang kanyang sagot dito.


May ilang fans si Mark na nagpayo sa kanyang huwag na itong patulan.

Pinayuhan din siya ng kaibigang si Yasmien Kurdi na huwag nang pansinin ang mga basher.


 

May isa ring netizen na nag-akusang wala raw ginastos si Mark sa Japan trip nila ni Winwyn.


Agad namang ipinagtagtanggol ni Winwyn si Mark.

Aniya, may trabaho ang kanyang nobyo para akusahang siya ang gumastos sa kanilang trip.

Ipinagtanggol din niya ang boyfriend laban sa akusasyong ginagamit lang ni Mark ang pangalan niya dahil laos na raw ito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN