Rep. Alfred Vargas offers legal assistance, financial help to families of Tanay bus accident fatalities

IMAGE Reielle Deslate

Quezon City District V Rep. Alfred Vargas on Tanay bus accident: "We cannot just continue to mourn the deaths of young students in tragic accidents caused by irresponsible entities, we have to stop these senseless deaths once and for all."


Malungkot ang tono ng boses ni Quezon City District V Representative Alfred Vargas nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, February 21.

Katatapos lamang daw kasi niyang makipag-usap sa mga magulang ng mga estudyanteng namatay sa tragic bus accident sa Tanay, Rizal, kahapon, February 20.

Residente ng District V ng Quezon City ang sampu sa mga estudyanteng binawian ng buhay, at sakop din ng distrito ni Alfred ang BestLink College of the Philippines sa Novaliches, Quezon City.

Ipinatawag ni Alfred sa district office nito sa Novaliches ang pamilya ng mga nasawi na binigyan niya ng free legal assistance at financial help.

Nang mangyari ang aksidente kahapon, agad na ipinatawag ng actor-politician ang mga representative ng BestLink College of the Philippines, pero hindi sila sumipot.

Muling inimbitahan ni Alfred ang mga opisyal ng school na nag-organize ng field trip at camping sa Tanay, Rizal, pero hindi pa rin sila nakipag-ugnayan sa kanya.

Nalaman niya mula sa mga kaanak ng biktima na requirement ng school ang field trip.

Nangako ang kongresista na walang gagastusin ang pamilya ng mga biktima, kabilang ang mga biktima na hindi residente ng distrito niya.

Sabi ni Alfred sa inilabas niyang opisyal na pahayag, “I will not allow that this accident becomes just part of statistics, this representation will be the focal point to ensure all the needs of the victims, and their families, are met, their legal rights protected and justice served fare and fast.

“We cannot just continue to mourn the deaths of young students in tragic accidents caused by irresponsible entities, we have to stop these senseless deaths once and for all.”

A SURVIVOR’S TALE. Samantala, nag-iwan ng trauma sa mga nakaligtas na estudyante ang aksidente.

Isang Sam Garcia Vidal ang nakiusap na huwag na siyang tanungin tungkol sa nangyari dahil traumatic ito para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong February 19, isang araw bago naganap ang field trip, nag-post si Vidal sa kanyang Facebook wall ng: “Camping…Kahit maulan? Huhuhu Survival talaga? HUSTISYA PO.”

Ngayong umaga, muling nga-post si Vidal sa kanyang Facebook wall ng napakalungkot niyang saloobin tungkol sa malagim na karanasan nila.

“Diyos ko! Maraming salamat buhay pa po ako at maraming salamat sa pangalawang buhay na ipinagkaloob nyo sakin.

“Hindi ko talaga maexplain ung feeling ko ngayon Sobrang sakit makita na ‘yung mga kasama mo sa bus unti unting nawawalan ng hininga pero wala kang magawa para tulungan sila. diyos ko wag nyo po silang pabayaan gabayan nyo po Sana kaming mga nakasurvive.

“Hindi ko na maramdaman ung sakit sa mga katawan ko kasi ma's masakit ang mawalan ng mga kaibigan diyos ko !!! Napaka sakit ! Di ako makatulog. bakit po ba ito nangyari sa amin?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN