Pia Wurtzbach affirms admiration for Liza Soberano

IMAGE Noel Orsal (Liza) / Instagram (Pia)

When asked if she will continue her acting career in the country, former Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach replied, "Hmm we'll see. Although I feel like I'd be more effective being myself than playing a role."


Muling ipinahayag ni former Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach ang kanyang pagpabor kay Liza Soberano nang magsagawa siya ng #AskPia sa kanyang Twitter account nitong Lunes, February 20.

Sa nasabing Q&A ng beauty queen, marami siyang sinagot na tanong mula sa netizens, maging personal questions.

Isang netizen (@quorgeous) ang nagtanong kung sumasali ba si Pia sa “fandoms,” patukoy sa malalaking grupo ng fans na sumusuporta sa mga sikat na artista o love teams.

Sagot ni Pia, “Yes. I love all of them but I especially love Liza. Yun na.”

Ang tinutukoy niya ay ang ABS-CBN young actress na si Liza Soberano.

Ikinatuwa naman ito ng fans ni Liza at nagpasalamat kay Pia sa kanyang pagmamahal sa kanilang idolo.


Nagpakita pa ng pagsuporta si Pia kay Liza sa sumunod niyang tweet.

Nagtanong siya kung bakit hindi pa verified ang Twitter account ng Kapamilya teen star na may higit 1.5 million Twitter followers.

Noong nakaraang taon, naging very vocal si Pia, lalo na sa social media accounts, sa pagsasabing malaki ang potensiyal ni Liza na manalo sa Miss Universe.

Natanong din si Pia kung ipagpapatuloy niya ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

May agam-agam ang beauty queen, pero aniya, mas kumportable siya kung hindi niya kailangang gumanap ng roles.

Reply ni Pia: "Hmm we'll see. Although I feel like I'd be more effective being myself than playing a role."


Stories We Are Tracking

Pia Wurtzbach: Liza Soberano has the beauty for Miss U
Pia Wurtzbach: Liza Soberano has the beauty for Miss U


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN