Eugene Domingo denies engagement to Italian boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo on settling down with her Italian boyfriend: "We're just enjoying our time together, that's the most important thing. Ano lang tayo, kasi sanay na sanay tayo na kapag meron, engaged, marriage. Pero sa akin kasi, sa akin lang yun, ha, pasalamat na ako dumating pa yun, e. Di ba, pasalamat na ako?"


Itinanggi ni Eugene Domingo na engaged na sila ng Italian film critic na si Danilo Bottoni.

Ngunit pag-amin niya tungkol sa kanyang love life, “I'm very, very happy, thankful, and blessed.

“Sabi ko nga, tama pala ang kanta ni Barbra Streisand, ‘People.’”

Ang tinutukoy marahil ni Eugene ay ang mga sumusunod na lyrics ng "People":

Lovers are very special people, 
They're the luckiest people
In the world.
With one person, one very special person
A feeling deep in your soul
Says you were half, 
Now you're whole.
No more hunger and thirst
But first be a person
Who needs people.
People who need people
Are the luckiest people
In the world! 

Kumusta naman ang naging selebrasyon ng kanilang Valentine’s Day nila, lalo na’t long-distance relationship sila ngayon.

“Ay, masaya!” bulalas ni Eugene.

“Kay Mr. Bottoni, sa Italy kasi, walang Valentine's. They don't observe Valentine's.

“But, I think, every day sa kanila, Valentine's.

“They're always passionate, romantic, and expressive every day.

“E, sa atin, di ba, sabi ko sa kanya, ang Valentine's sa Pilipinas, it's like Christmas. Very commercial.

“Pero sa atin, importante na pini-prepare, maraming shows, di ba?

“May reservation sa hotel, mga restaurants.

“Takang-taka siya, pero sumakay naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene sa taping ng first anniversary presentation ng Dear Uge, sa Antipolo City, noong February 16.

Si Eugene ang host ng weekly comedy anthology na napapanood sa GMA Network pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

THE VISIT. Sa April ay dadalaw sa Pilipinas ang Italian boyfriend ni Eugene.

Hindi kaya hingin na ng kanyang boyfriend ang mga kamay niya?

“Baka paa!” biro naman ng Kapuso actress-TV host.

“Hindi, wala, walang hingian ng kung anu-ano. We're just enjoying our time.

“Hindi naman na ako fifteen years old or seventeen years old.

“We're just enjoying our time together, that's the most important thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano lang tayo, kasi sanay na sanay tayo na kapag meron, engaged, marriage.

“Pero sa akin kasi, sa akin lang yun, ha, pasalamat na ako dumating pa yun, e.

“Di ba, pasalamat na ako? This is the best gift ever.  

“At wala akong minamadali. I cherish every moment.”

ITALIAN BOYFRIEND. Madalas na maririnig na ang mga Italyano ay romantiko raw.

Paano nga ba magmahal ang isang Italian katulad ng boyfriend niya?

Saad ni Eugene, “Joke namin 'yan. Kasi stereotyped, di ba? 

“Parang kapag sinabing Italian, di ba? 

“Pero lahat ng alam niyo kung paano magmahal ang Italian, napatunayan ko na totoo. They're very passionate.

“Pero ako kasi, hindi ko na naiisip na Italian siya.

“Ang naiisip ko lang, siya ang lalaking mahal ko.”

Biniro namin si Uge na may mga ganyang linya na siya ngayon.

Sabi naman niya, “Di ba? Thank you, Lord!

“Walang imposible, in God's perfect time.

“Kung para sa 'yo, para sa 'yo.”

Patuloy ni Eugene, “At saka hindi ako nagsisinungaling. 

“Noong wala, wala. Alangan namang mag-imbento?

“Wala talaga. Kung meron, meron.

“At saka sana, hindi na magbago."

Gaano siya katagal na walang love life?

“Matagal! Di ba, mula noong tinatanong niyo ako?”

WEDDING BELLS? Sabi nga niya, walang imposible. Hindi rin ba imposible na mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Danilo?

“Basta umuwi kami!” biro niya.

“I-push natin 'to?” natatawang hirit pa niya.

“O, sige, ano ba ang gustong marinig ng fans?

“Di ba, ang ending, dapat kasal? O, e, di sige!

“Ang bilis kausap. Basta kung saan tayo sasaya, e, di sige. 

“Basta araw-araw akong nagpapasalamat.”

Halos dalawang taon na rin daw ang “journey” nila ng Italian boyfriend.

“Siyempre, may mga pinagdaanan muna kami.

“Naging friends muna kami. Nagkita, ganun… maayos.”

Kailan opisyal na naging sila?

Ayon kay Eugene, “July last year. Pero nakita ko siya, 2014, Barber's Tale.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala ba ang kanyang Italian boyfriend sa konsepto ng kasal?

Sagot ni Eugene, “I don't know, but we believe in love.”

Naniniwala siya sa forever?

“He is my forever,” ang mabilis at walang kagatul-gatol niyang tugon.

EUGENE IN ITALY? Nakilala na rin daw ng aktres ang pamilya ng boyfriend sa Italy.

“Okey naman, masaya, parang Filipino rin.

“Kaya nga sabi ko, nakakalimutan ko na nasa Italy ako. Nakakalimutan ko na Italyano siya.

“Kasi, parang pare-pareho lang naman yun. When you fall, you fall.”

Kung sakaling mauwi ang relasyon nila ni Danilo sa kasalan, posible kaya siyang manirahan na kasama nito sa Italy? O, baka maging aktres na rin siya sa Italy?

Natatawang sabi ni Eugene, “Talaga ba? Ganun ba talaga kataas ang pangarap? Puwede na akong maging aktres doon!”

Patuloy niya, “Ano kasi, we both love to travel.

“Gusto kong ipakilala sa kanya ang Pilipinas, ang Asia actually, habang ipinapakilala rin niya sa akin ang Europe, paganun-ganun siguro.

“At saka, I can settle there and, at the same time, I can also do my show.  

“Ganun na rin naman ang ginagawa namin ngayon.

“Napaka-flexible, napakabait ng GMA sa akin, mga bosses, and they understand my situation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN