Maja Salvador hints at reason behind breakup with Gerald Anderson

IMAGE Noel Orsal

Maja Salvador's thoughts on balancing love and career: "Kahit na willing ka na i-balance ang lahat, pero ang magiging problema is parehas ba? Ganun din ba yung ka-partner mo. Kung oo, suwerte. Kung hindi, ah, e, mag-move on, tapos mag-focus na sa career."


Hindi tuwirang binanggit ng Kapamilya actress ang pangalan ng kanyang co-Star Magic artist na si Gerald Anderson, ngunit hindi kaila na ito ang huli niyang naging nobyo.

Pahayag ni Maja, “Basta career. Hindi ko na sasabihin, basta career."

Ngayong araw, Pebrero 21, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa blogcon ng pinagbibidahan niyang ABS-CBN teleserye na Wildflower.

Tinanong ng PEP si Maja kung naranasan na niyang maging balakid ang love life sa kanyang career.  

Diretsahang sagot ng dalaga, “Ako, kaya ko namang magbalanse.

“Pero parang yung mas ka-partner mo yung nagkakaroon ng problema.

"Parang yun yung nagiging… Yung sa akin, ha, dun sa past ko."

Pero kahit nauwi raw sa hiwalayan ang mga relasyon niya noon, hindi hinayaan ni Maja na maging balakid ito sa kanyang buhay.

Dugtong ng aktres, “Di ba ganun naman? Kahit na willing ka na i-balance ang lahat, pero ang magiging problema is parehas ba? Ganun din ba yung ka-partner mo?

“Kung oo, suwerte. Kung hindi, ah, e, mag-move on, tapos mag-focus na sa career.”

HAPPY FOR GERALD AND BEA. Sa PEPtalk episode ni Maja, naging bukas ang aktres sa pagsasabing matagal na siyang nakapag-move on mula sa hiwalayan nila ni Gerald noong first quarter of 2015.

Ang kaibigan ni Maja na si Bea Alonzo ang napapabalitang karelasyon ngayon ni Gerald.

Sabi ni Maja, “Masasabi ko na sana huwag nang lagyan ng isyu between sa amin ni Bea.

“Sobrang gusto ko na maging masaya siya.

“At sana si Ge na talaga yung magpapasaya kay Bea. Or sana sila na sa isa't isa.

“Happiness lang ang gusto kong makita sa kaibigan ko and, of course, for Ge also." 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN