Andre Paras sees bright side of going solo after being paired with Yassi Pressman and Barbie Forteza

IMAGE Noel Orsal

Andre Paras is busy with two shows at GMA-7. Still, his showbiz career is seen as lagging. His reaction: "Like sa basketball, there will always be people na doing well and at the same time, may bad game. I have to wait for my turn, kundi ikasasama ng loob mo 'yan."

 


Sa mga nakasabayan ni Andre Paras noon sa showbiz—katulad nina James Reid, Nadine Lustre, at Yassi Pressman—tila marami ang nagsasabing nahuhuli siya, career-wise.

Reaksiyon ng 21-year-old Kapuso actor, "Ganun po talaga, I accept it naman.

“Like sa basketball, there will always be people na doing well and, at the same time, may bad game.

"Ako, I have considered I have to wait for my turn, kundi ikasasama ng loob mo 'yan.

"Ako, kahit wala ako sa showbiz, I have school, so proud ako na makakapagtapos ako ng studies ko.

"Kasi nung busy ako sa projects, di ako makapag-concentrate sa school, kasi absent ako nang absent.

"Kaya ngayon, focus ako sa studies, kaya no hard feelings."

Masaya nga raw si Andre sa magandang takbo ngayon ng career ni Yassi.

Naka-love team niya ito sa pelikulang Ang Diary Ng Panget, kung saan nagsimula rin ang matagumpay na JaDine ngayon nina James at Nadine.

Si Yassi ay madalas nang mapanood sa Kapamilya network at currently ay mainstay siya sa Ang Probinsyano.

Ani Andre, na nananatili sa GMA Network, "I'm really proud of her.

"I see her everywhere, pati sa EDSA at sa TV.

“Proud din ako na I've worked with her pati na sina James at Nadine.

“All support pa rin ako, that's the beauty friendship, e."

Kaya lang hindi na raw sila madalas magkita.

Dati raw ay halos araw-araw silang magkakasama para sa kanilang bonding moments.

Sabi ni Andre, "Bihira na talaga, karamihan ngayon ay bonding time sa mga non-showbiz friends at sa family.

“Maybe kapag swak na ang skeds naming apat, maybe we can bond pa rin.

"Naka-miss din sina James, Nadine, at Yassi, kasi we're really a cool group, masaya lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor sa 7th birthday celebration ni Alonzo Muhlach, na ginanap sa Circle of Fun, sa Quezon City Memorial Circle, noong Linggo, February 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING SOLO. Maging ang love team nila Andre at Barbie Forteza na nabuo rin noon ay tila tumamlay na rin.

Si Barbie ay may apat na hunky leading men sa primetime series na Meant To Be: sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschener.

Pahayag ni Andre, "Yung mga fans namin ni Barbie, I can guarantee naman sa Sunday PinaSaya, andun pa rin naman.

"Kasi kung mapapansin talaga, yung skits namin, kasama ko siya.

"At yung fans sa studio nandun pa rin at naka-support.

"Nakaka-overwhelm lang talaga, kahit nagsu-solo na kami, nandun pa rin yung love ng ng mga tao."

Hindi rin daw niya inisip na gawing personal ang naging samahan nila nina Yassi at Barbie. Bahagi lang daw ito ng kanyang trabaho.

Sabi pa ni Andre, "Kasi sa showbiz naman, as an actor and actress, pag pinersonal mo, ikaw ang talo.

“It's for work and that's where professionalism comes in, happy naman kami.

"Look at them now, si Yassi has Ang Probinsyano at si Barbie, merong Meant To Be.

"Ang gagaling ng mga ka-work nila, kaya I'm happy for them."

Si Andre naman ay nasa cast ng Encantadia, bukod sa Sunday PinaSaya.

Aniya, "Yung dalawang shows na yun, sobrang saya ko na rin.

"Lalo na sa Encantadia na nung bata pa ako ay pinapanood ko talaga, and now I'm part of it.

"Yeah, I'm some like going solo, pero okey naman ako, kasi I have time na sa ibang bagay.

"Like, I'm in school now, and have more time with my family.

"I also have time to rest and do the things na hindi ko nagawa two years ago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN