Bianca Umali denies rumored breakup with Miguel Tanfelix: "Hindi pa nga po nagiging kami, break na agad?"

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali admits being new to live comedy. "Kaya nagte-train po kami ni MIguel ngayon na kahit paano, makasabayan po namin sila." She is referring to their show Full House Tonight with Regine Velasquez and a host of known comedians. "Masasaya po silang kasama. Ang point naman po ng comedy is to have fun and go with the flow," she says. 


Sa March 2 ang ika-17 kaarawan ng Kapuso teen star na si Bianca Umali.  

Isang taon na lang at debut na niya, pero ayaw pa rin daw niyang magpaligaw.

"Ang gusto ko lang po talaga, mag-aral at saka family po," sabi niya.

Home-schooled at incoming senior high school daw siya.

Natawa naman si Bianca nang tanungin kung ano na talaga ang totoong status nila ng ka-love team na si Miguel Tanfelix.

Aniya, "Friends pa rin po, yun pa rin po.

“Matagal na po kasi kaming sobrang close.

“Sa sobrang close namin, talagang marami pong tao na napagkakamalan kaming kami na.

"Pero hindi po talaga, parang family na po, especially na sobrang close po ng family namin."

BREAK-UP RUMOR. Pero ano ang totoo sa balitang bago matapos ang 2016 ay nag-break daw sila ni Miguel?

Mabilis na tanggi ni Bianca, "Hindi pa nga po nagiging kami, break na agad? Grabe naman yun!"

Nabawasan ba ang closeness nila para maisyu silang nag-break?

"Hindi po, same-same pa rin po."

Nagdi-date naman sila?

Ayon sa dalaga, "With family po. Sometimes po after work, kapag may konting time pa, lumalabas po kami."

Ang mga magkakaibigan ay nagkakaselosan din minsan. Ganun din ba sila ni Miguel?

"Ako po hindi," sagot ni Bianca.

Si Miguel, nagseselos?

"Hindi ko po alam."

May mga away rin sila?

"Nagkakatampuhan po kung minsan, pero tampuhan lang.

“Kumbaga, mabilis lang. Siguro mga konting oras lang, tapos okey na ulit."

SHOWS TOGETHER. Kinumpirma naman ni Bianca na magkakasama sila ni Miguel sa susunod na telefantaserye ng GMA Network, ang Mulawin vs Ravena.

Natupad na raw ang pangarap niyang makasama rito.

"Opo nga, talagang love na love ko ang Mulawin before," sambit niya.

“Bata pa po ako, talagang dream ko na ma-experience kung paano sila lumipad.  

"Tapos ngayon, kasama na po ako sa cast ng remake."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa siya nang malaman niyang magkasama na sila ni Miguel?

"Opo naman po. Ayoko pa pong sabihin ang role, pero yes po, magkikita po kami ni Miguel sa Mulawin."

Napapanood sina Bianca at Miguel sa Full House Tonight, kunsaan kasama nila ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez at ilang Kapuso comedians.

Ayon kay Bianca, "Bago po para sa amin ni Miguel ang live comedy.

"At ang mga kasama po namin, mga full-time comedians kaya nagte-train po kami ni MIguel ngayon na kahit paano, makasabayan po namin sila.

"Masaya po siyang gawin, especially po ang mga kasama namin, masasaya po silang kasama."

Hindi naman daw pinapapansin ng kanilang mga kasamahan ang kawalan nila ng karanasan bilang comedians.

So far, wala pa naman daw na sapawan na nangyayari.

Sabi ni Bianca, “Hindi po namin napi-feel ang pressure kasi it's comedy.

“And ang point naman po ng comedy is to have fun and go with the flow."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN