Aiko Melendez to bashers of her bikini pics: "Care ko sa kanila."

IMAGE Instagram

Aiko Melendez has a message to bashers who criticize her bikini pics: "Yung mga nagsasabi na ang dali [magpapayat] makapag-bash lang sa IG, e, kayo kaya mapunta sa katawan ko."

 


Hindi raw apektado si Aiko Melendez sa mga kritikong bumabatikos sa kanyang pigura nang mag-post ang aktres ng kanyang bikini photos via Instagram noong December 2016.

“Kasi IG ko naman yun, so care ko sa kanila, di ba? Huwag nila ako i-follow.

“More than the bad comments, mas madami naman yung naka-appreciate ng effort ko,” pagtatanggol ni Aiko sa sarili sa panayam sa kanya ng Tonight With Boy Abunda noong Martes, February 21.

May mensahe pa si Aiko sa kanyang bashers, “Hindi biro ang magpapayat. Hindi talaga.

“Yung mga nagsasabi na ang dali [magpapayat] makapag-bash lang sa IG, e, kayo kaya mapunta sa katawan ko. Ang hirap. “

Naisulat din noon na may netizens na inakusahan ng aktres na nasosobrahan umano ng filter ang mga larawan niya bago i-post. 

Nausisa rin si Aiko kung bakit naisipan niyang i-post ang kanyang bikini photos.

Sabi niya, “I just woke up one day that I wanted to shock the people and I wanted to check myself on picture if I look good.

“Because for the longest time, I was on the heavy side.

“So, nung medyo nakukuha ko na, ‘Uy, nagkakabewang na! Tingnan ko nga.’

"Si Andre took that picture," pagtukoy ni Aiko sa binatang anak nila ng dating mister na si Jomari Yllana.  


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez frontal bikini photo leaked online
Aiko Melendez frontal bikini photo leaked online
Aiko hits back at netizen who bashed her bikini pics
Aiko hits back at netizen who bashed her bikini pics


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN