Kiko Estrada admits Barbie Forteza broke up with him

IMAGE Noel Orsal

Kiko Estrada on breakup with Barbie Forteza: "You know, at the end of the day, parehas kaming nasaktan. I guess, nasaktan ko rin siya kasi nagkulang ako sa effort, nagkulang ako sa time. Nasaktan niya rin ako because she didn't wait, and I respect that decision."


“It’s the right love at the wrong time.”

Ganito inilarawan ni Kiko Estrada ang short-lived relationship nila ng kapwa Kapuso star na si Barbie Forteza.

Ayon pa sa 21-year-old actor, “It’s wrong time because I have work. I have Sinungaling Mong Puso. I have to go to the gym. 

“It’s my first lead role, so I have to focus.

“And I won an award for that lead role, so I don’t regret my decision.

“I won Best Actor for it on Philippine-Japan Excellence Award. Pinaghirapan ko po ang role ko dun.

“So, it was a right love at the wrong time.”

Ang Sinungaling Mong Puso ay ang afternoon soap ng GMA Network na pinagtambalan nina Kiko at Rhian Ramos noong 2016.

Nangangahulugan bang mas pinili niya ang career niya kesa kay Barbie?

“I guess me and Barbie will choose career over love,” diretsong sagot ni Kiko.

Career daw talaga ang prayoridad ngayon ng anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz.

Aniya, “Wala akong love life, pero may career naman ako.

“Kaya nagpapasalamat ako. May movies ako and I have this grand telefantasya.

“Hopefully matanggap ko yung isa kung hindi nag-collide sa isang schedule.

“May isa pa kasi akong teleseryeng gagawin, so it’s gonna be fun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa presscon ng pelikulang Pwera Usog ng Regal Entertainment, noong Martes, February 21.

BAD BREAKUP? Nilinaw naman ni Kiko ang usap-usapang hindi raw naging maganda ang paghihiwalay nila ni Barbie.

Saad niya, “I don’t get kapag sinasabing hindi maganda.

“For me, I love her so much and I did the show. Nagkulang ako sa panahon, I guess.

“I’m sorry for all my shortcomings, but it’s not my fault.

“I didn’t do anything wrong. I didn’t disrespect her.

“I didn’t cheat on her. I love her so much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una, ayaw pang sabihin ni Kiko kung sino ang nakipag-break sa kanila ni Barbie.

Pero kalaunan, lumabas din sa mga pahayag ni Kiko na tila si Barbie ang nakipag-break.

Pahayag dito ng aktor, “Well, I don’t know what she told you, but I didn’t break up with her.”

Hindi ba talaga naging maganda ang breakup nila?

Ayon kay Kiko, “Hindi maganda para sa akin, pero wala naman akong puwedeng gawin, hindi naman ako ang nang-iwan, di ba?

“So, I just don’t get why people are blaming me. I didn’t do anything wrong.

“I didn’t break up with her because I love her.

“Until now… I still watch her show. Maganda ang show niya, nagri-rate.

“I’m really proud of her, she’s a fantastic actress.”

Ang tinutukoy ni Kiko ay ang primetime series na pinagbibidahan ni Barbie sa GMA Network, ang Meant To Be.

Patuloy niya, “You know, my love for her is more than a breakup.”

POSSIBLE RECONCILIATION. Sinasabi niyang “right love at the wrong time” ang nangyari sa kanila ni Barbie.

Kung sakaling at right time na, babalikan at susuyuin ba niya ulit ang dating girlfriend?

“Well, we’ll see because, you know, ang dami na niyang lalaki ngayon. May apat siya na Meant To Be, di ba?” natawang biro niya.

Ang tinutukoy ni Kiko ay ang apat na leading men ni Barbie sa pinagbibidahang primetime series: sina Ken Chan, Ivan Dorschener, Addy Raj, at Jak Roberto.

Ayon pa sa aktor, “Sana nga hinintay niya ako after ng Sinungaling, ibibigay ko sa kanya lahat ng oras na gusto niya.”

Hindi nakapaghintay sa kanya si Barbie?

“No, I’m not saying that.

“Pero mahirap naman kasing paghintayin ang isang babae, di ba?

“Ang sama ko naman para hingin yun sa kanya.

“I didn’t ask for it and I respect her decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, at the end of the day, parehas kaming nasaktan.

“I guess, nasaktan ko rin siya kasi nagkulang ako sa effort, nagkulang ako sa time.

“Nasaktan niya rin ako because she didn’t wait, and I respect that decision.”

Nagsabi ba siya kay Barbie na hintayin pa rin siya?

Sagot ni Kiko, “Sigurado ako alam niya yun.

“Wala naman akong ibang babae noon.

“And I respect her family. I respect Tita Amy and her dad.”

KIM RODRIGUEZ. Kumusta naman sila ng dati rin niyang girlfriend na si Kim Rodriguez?

“Well, we don’t talk anymore,” mabilis niyang sagot.

“But I’m okay with her. I’m happy for her if she has a new boyfriend or whatever endeavors she has in her life.

“Masaya ako para sa kanya. I’m basically civil with anyone.”

Dagdag niya, “With Barbs, I want to talk to Barbs, but she doesn’t want to talk to me yet. But I respect it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN