Albie Casiño keeps options open about quitting showbiz

IMAGE Noel Orsal

Albie Casiño on his past controversy with ex-girlfriend Andi Eigenmann: "Okey lang na hindi ako naging Albie Casiño. At least, hindi nadamay ang pangalan ng pamilya ko, hindi na-bash ang mga magulang ko. 'Yan ang hindi naiintindihan ng mga tao. Hindi lang naman ako ang nasiraan doon, e."


Malaking bagay raw para kay Albie Casiño at sa kanyang showbiz career ang pagkakalinis ng pangalan niya sa isyu ng katauhan ng tunay na ama ng anak ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Pagkatapos ng anim na taon ay lumabas ang katotohanang si Jake Ejercito ang ama ng anak ng aktres.

Ayon kay Albie, “I feel glad.

“It’s nice to be controversy-free finally for once in my career.

“Para pag pumunta ako dito, wala nang controversy na pinag-uusapan, hindi na ako takot humarap sa press, wala nang stress na ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie sa mediacon para sa pelikulang Pwera Usog ng Regal Entertainment, Inc.

Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place, San Juan City, noong Martes, February 21.

Kahit nakatulong ang isyu upang mas makilala pa si Albie, sinabi niyang sana ay hindi nangyari iyon sa kanya.

Saad niya, “I’d rather not. Kung pinapili mo ako, mas gusto kong hindi nangyari yun sa akin.

“Sana hindi na lang sa akin nangyari yun. 

“Okey lang na hindi ako naging Albie Casiño. At least, hindi nadamay ang pangalan ng pamilya ko, hindi na-bash ang mga magulang ko. 

“'Yan ang hindi naiintindihan ng mga tao. Hindi lang naman ako ang nasiraan doon, e.”

Ngunit, aniya, “Masaya na ako na tapos na.”

Masaya na raw ang pamilya ni Albie sa pagkakalinis ng kanilang pangalan sa isyu. Hindi na raw nila ito pinag-uusapan pa.

“Sa presscon na lang napag-uusapan ulit,” sambit niya.

QUITTING SHOWBIZ. Pinatotohanan ni Albie na muntik na siyang mag-quit sa showbiz nang madikdik siya sa kontrobersiya nila noon ni Andi.

“Totoo yun, parang nagkaroon ng time na naisip ko na parang ayaw ko nang mag-artista, hindi ito para sa akin.

“Actually, up to recently, pinag-iisipan ko yun na mag-aaral na lang ako abroad and stuff. Medyo naumay ako sa mga nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, especially nanalo na ako ng award, parang ngayon may bago na akong pag-iisipan kung talagang ititigil ko na ito o hindi.

“More on validation siya sa akin na parang hindi ko sinasayang ang oras ko dito.

“Hindi naman kasi isang araw na yun na okey na, hindi ko na siya pag-iisipan. 

“Pag-iisipan mo pa rin siya,” saad niya.

Dagdag ni Albie, “Kasi I want to see the world also.

“Kasi yung personality ko talaga, hindi siya pang-showbiz, e. Very private person.

“Hindi ako masyadong magaling magsalita sa harap ng maraming tao.

“So, parang yung naiisip ko, parang hindi talaga para sa akin yung showbiz.

“Pero mahal ko yung ginagawa ko. Gusto ko yung umaarte ako.

“If ever I was asked to stop and go to school, it would be something connected to this, like screenwriting, cinematography.

“Of course, New York Film Academy, but it’s so expensive. San Francisco, I have family there.

“I’m looking at options. I’m not that deep into it yet.

“I’m just thinking, looking for options, yun lang.

“I don’t want to rush things on anything kasi parang…

“Yun na nga e, nakabalik na ako, e.

“Tapos, parang pag itinigil ko, baka hindi na ako makabalik uli pag hindi naman nag-pan out yun.

“Nakakatakot din siya.”

WAITING FOR SOMETHING. May hinihintay lang daw si Albie bago niya pagdesisyunan ang planong huminto muna sa showbiz.

Saad niya, “Yun talagang decision ko, pag natapos na yung contract ko sa manager ko.

“Ayaw ko munang sabihin kasi malapit na.

“Hindi naman ibig sabihin na pag tapos na, aalis na ako.

“Pag natapos na yung contract ko sa manager ko, doon ko talaga iuupo ang sarili ko at pag-iisipan.

“For my future also, e. Hindi pa ako graduate ng college.”

Patuloy niya, “Hindi naman forever itong showbiz. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman lahat nagiging Piolo Pascual na magiging career mo talaga yung showbiz. 

“Ilan na yung mga artista ngayon, e. Ang dami na.

“Parang every day, may bagong artista.

“So, hindi mo talaga alam.

“Tumatanda na ako, parang pakonti nang pakonti yung opportunities.

“I just have to be practical.”

Ano yung factor para makumbinsi siyang huwag nang tumigil sa pag-aartista?

Sagot ni Albie, “Siguro kapag nakakuha ako ng super-magandang project talaga na hindi ako makakahindi.”

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Samantala, hindi itinanggi ni Albie na masaya siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

“Yeah, I’m happy now, just the way I like it na non-showbiz.” 

Nagbigay ng ilang detalye si Albie sa kasalukuyang love life.

“Nagkabalikan kami. Ang hirap lang kasi pag nasa States siya.

“Nong nakilala ko nga siya, hindi niya alam na artista ako. Yun yung mga gusto ko.”

Itinanggi rin ni Albie na ang current girlfriend niya ang isa sa dahilan kung bakit pinag-iisipan niyang tumigil na sa pag-aartista at para hindi na rin makalkal ang kanyang pribadong buhay.

Pahayag niya, “Hindi naman.

“Even before that, hindi ako nagpu-post sa Instagram. Hindi ako masyadong nagpa-follow sa Facebook.

“Hindi ako magaling sa social media di kagaya nung ibang mga artista.

“Sinasabi nga ng mga friends ko na yung ibang mga tao mas maraming followers kaysa sa akin. 

“Pero pag lumabas kami, parang mas nakikilala ako.

“Konti lang yung followers ko sa social media, pero yung name and face value ko, mas nakilala ako kaysa sa ibang mas maraming followers sa akin, parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN