Jinggoy Estrada slams Sen. Leila de Lima for "seeking refuge in the Senate"

IMAGE Mark Pimentel (Jinggoy)

Former Senator Jinggoy Estrada to Senator De Lima: "Who are you to demand where you want to be jailed?"


Nagpahayag ng saloobin si dating Senator Jinggoy Estrada tungkol sa pananatili ni Senator Leila de Lima sa Senate office niya kagabi, February 23, matapos ilabas ang arrest warrant laban sa kanya.

“Shame on you,” ang mensahe sa Facebook ng dating senador.

Ipinakulong ni De Lima si Jinggoy noong justice secretary pa ang una sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ikinulong si Jinggoy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame noong June 2014, kasama ang kaibigan niyang si dating Senator Bong Revilla Jr.

Ito ay dahil sa diumano'y pagkakasangkot nila sa multibillion-peso pork barrel scam.

Ani Jinggoy tungkol sa ginawa ni De Lima, “Why do you have to seek refuge in the Senate?

“We never sought for refuge when you had us arrested!!

“Who are you to demand where you want to be jailed?

“We never did that during your time!!”

Dagdag pa niya, “We surrendered even before the warrant of arrest was served.

“We went to Crame immediately. Can't you do the same? SHAME ON YOU.”

Hindi natuloy kagabi ang pagdakip ng arresting team ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kay De Lima dahil matapos umuwi sa bahay niya sa Southbay, Parañaque City, muling bumalik ang senadora sa opisina niya sa Senado.

Wala ring pag-aresto na nangyari kagabi dahil ayon sa sergeant-at-arms ng Senado, pumayag ang arresting team ng CIDG-NCR na ihain kay De Lima ngayong umaga, February 24, ang arrest warrant na inilabas ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Ang pag-aresto kay De Lima ay kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya dahil sa diumano'y involvement niya sa illegal drug trade sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) noong panahong siya ay justice secretary.

Kanina ay kusang sumuko si De Lima sa arresting officers ng CIDG.

Mula sa kanyang Senate office, in-escort-an siya ng mga taga-CIDG, na pinangunahan ni Chief Superintendent Roel Obusan patungong Camp Crame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN