Kris Aquino defends bestfriend Rep. Marlyn Alonte against bribery charges

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino

Kris Aquino denies Justice Secretary Vitaliano Aguirre's allegation that Biñan Representative Marlyn Alonte-Naguiat (not in photo) is involved in bribing high-profile inmates to retract their statements against arrested Senator Leila de Lima.


Umalma si Kris Aquino sa pagkakadawit ng matalik niyang kaibigan na si Biñan Representative Marlyn Alonte sa umano'y tangkang panunuhol sa high-profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) para bumaligtad sa kanilang testimonya.

Sa kanyang Instagram post kanina, February 24, sinabi ni Kris, “I feel so bad because Cong @lenalonte was falsely named by Sec. Aguirre regarding P100M bribery attempt in behalf of Sen de Lima for inmates because she is 1 of my best friends.”

Ang akusasyon ay inihayag ni Justice secretary Vitaliano Aguirre kahapon, February 23.

Sa panayam kay Aguirre sa dzMM kaninang umaga, sinabi niya, “Inalok po nila yung walong iyan [inmates] for P100 million basta gawin nila yung pagbawi, yung retraction ng mga salaysay nila laban kay De Lima before bukas, February 25, which is the EDSA anniversary.”

Sa pahayag ni Aguirre, nabanggit din niya na malapit si Rep. Alonte sa TV host-actress, na kapatid ni former President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ngunit pinabulaanan ni Rep. Alonte na napag-uusapan nila ni Kris ang tungkol sa pulitika.

“Never. Baka love life niya, pwede pa,” sabi ng congresswoman.

Pinatotohanan naman ito ni Kris sa parehong Instagram post niya.

Aniya, “What she said in her presscon is TRUE- we talk or whatsapp everyday, yesterday nga she sent me my favorite tapa from Tuding's, LOVE LIFE ang madalas na pinaguusapan namin- adviser ko sya & I trust her... what a price to pay for her because she is 1 of my best friends. #RESPECT #TRUTH”

Bukod kay Rep. Alonte, idinawit din ni Aguirre sina dating Senator Jamby Madrigal at Atty. Alvin Herrera.

Ang high-profile inmates ay nagdadawit kay Senator Leila de Lima sa diumano'y bentahan ng droga sa loob ng NBP.

Sumuko na si De Lima sa Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaninang umaga, matapos ihain ang warrant of arrest sa kanya na ipinagtibay ni Judge Juanita Guerrero ng Branch 204 ng Muntinlupa Regional Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang naka-detain si De Lima sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

UNFOUNDED ACCUSATIONS. Ilang oras ang nakalipas, binura ni Kris ang kanyang Instagram post tungkol kay Rep. Alonte.

Bilang kapalit, nag-post siya ng panibagong larawang may quote mula sa kilalang TV host na si Oprah Winrey, “Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down.”

Sa caption nito, muli niyang ipinagtanggol ang kaibigang si Rep. Alonte.

Ani Kris, “This is a better post to show the depth of my love, friendship, faith, and loyalty in @lenalonte.

“She is hardworking, dedicated, kindhearted, and above everything else, 100% committed to public service. We have been close friends for more than 7 years- walang benefit at all to her to remain my friend, and yet she has chosen to stay close to me & make me feel like I am her true ATE.

“MABAIT, MARANGAL, MAPAGKAKATIWALAAN... I respectfully disagree w/ the unfounded accusations made by Secretary Aguirre.#Truth”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN