Bong Revilla, Katrina Ponce-Enrile react to Sen. Leila de Lima's arrest

IMAGE Mark Pimental (Revilla) / Facebook (De Lima)

Bong Revilla reacts to Sen. Leila De Lima's arrest by the authorities this Friday morning, February 24. 


“Ngayon naramdaman mo na rin kung ano ang naramdaman namin at ng aming pamilya,” ang tanging reaksiyon ni former Senator Bong Revilla Jr. tungkol sa pagsuko ni Senator Leila de Lima sa arresting team ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ngayong Biyernes, February 24.

Halos tatlong taon nang naka-detain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ng Camp Crame si Bong mula nang ipakulong siya noong June 2014 dahil sa alleged involvement nila ni ex-Senator Jinggoy Estrada sa pork barrel scam.

Si De Lima ang Justice secretary noon sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Noong Huwebes, February 23, tinangka ng mga awtoridad na arestuhin si De Lima sa Senado, subalit hindi ito pinahintulutan ni Senate President Koko Pimentel.

Dapat daw ay bigyan ng respeto ng arresting officers ang senadora, ang session at premises ng Philippine Senate.

KATRINA PONCE ENRILE. Bunsod nito, inalala ni Katrina Ponce Enrile, anak ni ex-Senator Juan Ponce Enrile, ang tungkol sa pag-aresto sa kanyang ama noong 1990 sa mismong Senado noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Kinontra niya ang depensa kay De Lima na dapat igalang ng arresting officers ang Senado.

Ibinahagi ni Katrina sa kanyang Facebook account ang scenario nang dakpin noong 1990 sa Senado ang kanyang ama.

Post ni Katrina, “My father, Juan Ponce Enrile, was arrested in the plenary hall of the old Senate building along Taft Avenue in 1990, while the Senate was actually in session during former President Cory Aquino's term and it was then Secretary of Justice Franklin Drilon, who manufactured a non-existent crime of conspiracy complex with murder.

“I was there to witness how they took my father out of the Senate halls and how they brought him first to the National Bureau of Investigation with no less than Alfredo Lim leading the arresting team.

“The only Senator who accompanied my father and I to the NBI was then Senator Joseph Ejercito Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now I hear Senator Leila De Lima saying that she hopes that the police authorities respect the halls of the Senate and not arrest her there.

“I have nothing against the lady Senator.

“I actually know how it feels being in that situation.

“I will pray for Senator De Lima. But it's been done before,” pagtukoy sa sinapit ng kanyang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN