Yassi Pressman addresses rumor linking her to Coco Martin

IMAGE Instagram @yassipressman

Yassi Pressman on being romantically linked to Coco Martin: "Mabait talaga na tao, sincere, hardworking, at maasikaso si Coco. But as of now, hindi pa. Focus muna sa career." 


Dahil sa tambalan nina Yassi Pressman at Coco Martin sa pinagbibidahang primetime series ng huli, ang FPJ's Ang Probinsyano, hindi maiwasang maiugnay ang dalawa.

Agad namang nilinaw ng 21-year-old actress na magkaibigan lang sila ng Kapamilya star.

 Pahayag ni Yassi, “Ay, huwag na nating bigyan ng malisya. 

“Gentleman naman talaga siya. Sobrang mabait siya sa lahat sa amin sa set, maasikaso siya sa lahat sa amin sa set, mabuting tao talaga.”

Nang tanungin kung posibleng mahulog ang loob niya kay Coco, inamin ni Yassi na taglay ng binata ang mga katangian ng isang potential boyfriend.

Sabi ng 21-year-old actress, “Puwede naman, why not?

“Tulad nga ng sinabi ko sa ibang interviews dati, mabait talaga na tao, sincere, hardworking, at maasikaso si Coco.

“But as of now, hindi pa. Focus muna sa career.

“Pa-start pa lang ako ulit, gusto ko munang mag-focus.

“Ang dami kong dreams, na ngayon nabibigyan ng pagkakataon, ayokong sayangin.”

Nakapanayam si Yassi ng ABS-CBN reporters sa kanyang contract signing sa Kapamilya network noong Miyerkules, Pebrero 23.

Dito ay hiningan ng reaksiyon si Yassi tungkol sa pahayag ni Julia Montes sa Gandang Gabi Vice na may chemistry ang tambalan nina Yassi at Coco.

Si Julia ang napapabalitang girlfriend ng binata.

Pahayag ni Yassi, “Nakita ko nga yung interview na ‘yan.

“Nakakatuwa kung sinabi niya na bagay, nakakatuwa kung iniisip niya na maganda yung chemistry kasi yun naman talaga ang gusto naming ipakita sa show.

“Talagang sinusubukan naming mag-work together, mag-usap off cam, para pagdating namin sa eksena madali na lang kasi yung chemistry at saka yung friendship, comfortable na kami sa isa’t isa.”

Masaya rin ang 21-year-old actress na kahit ang mga tagahanga ng ibang mga nakapareha ni Coco na sina Julia at Maja Salvador ay suportado ang tambalan nila ng aktor.

Aniya, “Oo marami—mga CocoJam, CocoJul—thankful naman ako sa mga nagre-retweet, nagsu-support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon na rin CocoYas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN