Nadine Lustre denies asking VIVA to release her as talent

IMAGE @WELOVEJADINE on Instagram

Nadine Lustre clarifies that VIVA is giving her and James Reid a break "kasi from what we did last year, medyo sunud-sunod din."


Paano ba ang LQ o lovers' quarrel nina Nadine Lustre at James Reid?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Nadine sa event ng Pond's noong February 21, naaayos daw nila agad ng boyfriend ang anumang di nila pagkakaintindihan sa simpleng usap at yakap.

"Ganun lang, ayaw naman namin siyempre magkagalit kami.

"Wala namang di kayang ayusin, usap lang, we hug lang, okay na.”

BIKINI PHOTO. Samantala, marami sa mga netizens ang naseksihan at humanga sa mga sexy photos ni Nadine na lumabas sa social media.

Hindi ba nila ito pinag-awayan ni James lalo’t kilala na may pagka-conservative ito?
   
Paglilinaw ni Nadine, “No, he’s not conservative, he’s actually very happy.

“Alam niya yung process na pinagdaanan ko in losing weight and it was really, really hard.

“He’s proud na I got yung na-achieve ko.”

Paliwanag pa niya, “Natural lang naman na nasa beach, normal lang naman na naka-bikini ka.

“I mean di ko naman in-expect na ganun ang magiging reaksiyon ng mga tao sa mga photos.

“Hindi ko rin ini-expect na may magpo-post, it was not me naman nag-upload, isa lang naman ang pinost ko."

JAMES AND SARAH DUET. Last Sunday, February 18, ay naka-duet ni Daniel Padilla si Sarah Geronimo sa isang production number ng ASAP.

Ngayong Linggo, February 26, ay si James naman ang makaka-duet ng Pop Princess.

Sambit ng dalaga, “Yeah, I’m so excited, kinakabahan siya actually.

“I’m pretty sure na kaya niya namang i-pull off yun since magaling naman siyang kumanta.

“Sabi ko sa kanya, ‘I-go mo lang ‘yan, push mo ‘yan, kayang-kaya mo ‘yan.’”
 
VIVA FAMILY. Sa kabilang banda, may bali-balita na tumatanggi raw si Nadine sa ilang projects na pagbibidahan sana nila ni James.

May mga kuwento rin na tila gusto na raw ni Nadine na magpa-release sa  VIVA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad namang klinaro niya ito, “Release? No, it’s not true, not true. I love my VIVA family.

“Talagang VIVA is giving us break din kasi from what we did last year, medyo sunud-sunod din.

“VIVA wants us to have a break, pahinga na muna.”
   
Masayang inisa-isa rin ni Nadine ang pinagkakaabalahan nila ngayon ni James.
  
“Ako, I’ll be doing Luster the Perfume, and James is finishing his album.

“After Luster, I’ll be finshing my album as well.

“Mayroon din pala kaming tour in States this March.”
 
Samantala, masayang-masaya rin si Nadine sa nominasyon na natanggap niya sa kategoryang Favorite Filipino Star award sa Nickelodeon Kid’s Choice Awards 2017.

Nominado rin sina Janine Gutierrez, Janella Salvador, at Liza Soberano.
   
“Super, super excited,  I mean it’s an honor...growing up with the Nickleodeon.

“If ever ako na manalo, I’ll be super grateful sa lahat ng mga bumoto, sa lahat ng mga nag-hashtag.

“Siyempre, hindi madali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN