Mark Zambrano posts sweet birthday message for girlfriend Aicelle Santos

IMAGE Instagram

Fans of singer/actress Aicelle Santos and her boyfriend, GMA news reporter Mark Zambrano, were thrilled when Mark posted a sweet birthday greeting for Aicelle on his Instagram account. In the comments section, Aicelle replied, "You are the best gift God has given me this year."


Maraming netizens ang kinilig sa sweet Instagram message ng GMA news correspondent na si Mark Zambrano para sa girlfriend nitong si Aicelle Santos.

Nagdiwang ng 24th birthday si Aicelle noong February 24.

Sampung buwan na ang kanilang relasyon.

Ang message ni Mark para sa girlfriend:

“Happy birthday, mahal ko!

“I pray that God grants you all the blessings so you may continue to share the gifts that he's blessed you with.

“Mahal na mahal na mahal kita, and I can't wait for what's in store for us.”

.A post shared by Mark Zambrano (@markzambrano) on

Sobrang na-touch si Aicelle at nag-reply siya sa post ng kanyang boyfriend.

“Mahal ko, maraming salamat!

“You are the best gift God has given me this year.

“Mahal na mahal na mahal po kita @markzambrano”

RECORDING FOR WICKED. Kamakailan ay napili si Aicelle ng U.K. producers ng musical na Wicked na mag-record ng duet song kasama ang British stage actor na si Bradley Jayden.

Para ito sa pagbubukas ng Wicked sa West End London.

Nagkaroon na ng rehearsal si Aicelle kasama si Dave Rose, ang musical director ng Wicked sa London.

Noong February 23 ay nag-record na sina Aicelle at Bradley ng “As Long As You’re Mine.”

Si Bradley ang gumaganap na Fiero sa Wicked.

Ang ginawang recording nina Aicelle at Bradley ay magiging part ng "Out of Oz Session," na series ng musical clips para sa Wicked.

Nag-post si Aicelle sa Instagram ng isang video kasama si Bradley. Ang kanyang caption:  “Having fun at recording with this talented boy! @bradleyjaden #wickedmanila2017”

Nanood din ang buong cast ng Rak of Aegis ng Wicked sa Theater at Solaire, kung saan na-meet nila ang buong cast sa  backstage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN