Marian Rivera says she and husband Dingdong Dantes are done with jealousy issues

IMAGE @therealmarian on Instagram

Marian Rivera says she no longer has reason to get jealous: "E, di ba, napangasawa ko na, may anak kami. Sa akin naman umuuwi. Lahat na ginagawa. Ano pa ba ang gusto, i-tumbling ang asawa ko? Lahat na 'binigay. Wala na, yun na yun."


Simula noong naging isang ina si Marian Rivera, marami raw ang nagbago sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian noong nag-set visit ang website na ito sa Dear Uge sa Antipolo City kamakailan, sabi ng aktres, “Marami, lalo na yung mga points of view ko, priorities ko, personalidad ko. Marami.”

"Anong nagbago sa personalidad niya?

"Mas humaba ang pasensiya ko!” natatawang sabi niya.

May nagtanong naman kay Marian kung selosa pa rin daw ito.

"Hindi naman ako selosa, etchos lang yun,” sabi niya.

Dugtong niya, “Parang baligtad. Parang yung asawa ko ang seloso kesa sa akin."

Nagseselos si Dingdong sa kanya?

"Wala naman siyang dapat ika-selos.

"Wala naman akong trabaho.

"Alangan namang si Boobay ang pagselosan niya,” pabirong hirit pa niya.

Si Boobay, aka Norman Balbuena, ang gay co-host ni Marian sa kanyang dating morning talk-variety show na Yan Ang Morning noong nakaraang taon.

Sa taong ito, muli silang magkasama sa Sunday PinaSaya.

Pero isyu pa rin ba ngayon ang selos sa married life nila?

Aniya, "Sa totoo lang, nakakadiri nga ang term na selos.

"Sukang-suka na ko sa term na ‘yan dahil buong buhay ko, ‘yan ang sinasabi.”

Sabi naman ng writer na ito kay Marian, hindi naman kasi nawawala ang selosan sa buhay mag-asawa.

"E, bahala sila. Basta ako, sa totoong buhay, wala.

"E, di ba, napangasawa ko na, may anak kami.

"Sa akin naman umuuwi. Lahat na ginagawa.

"Ano pa ba ang gusto, i-tumbling ang asawa ko?

"Lahat na binigay. Wala na, yun na yun.

"Yung mga harhar na lang, bahala na sila sa buhay nila,” kaswal niyang pahayag.

TIME MANAGEMENT. Kung may mga nabago sa kanya mula noong nagkaroon siya ng anak, may mga napansin rin ba siyang pagbabago sa kanilang dalawa naman ni Dingdong?

Pag-amin niya, "Maraming nabago, especially sa time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi na lang kaming dalawa.

"Tatlo na kami ngayon at kailangang hatiin namin nang tama.

"At sabi ko nga, mabuti na lang yung asawa ko talaga, mahabang-mahaba ang pasensiya.

"Kapag nanay ka pala, hindi mo na-realize, lahat ng atensiyon mo, nasa anak mo na pala.

"So mabuti naman ang asawa ko, nagre-remind sa akin na, 'Halika, labas tayo.'”

Humihirit ba si Dingdong sa kanya na tipong wala na siyang oras para sa kanya?

"May ganun, naglalambing.

"Palagi namang naglalambing yun.

Hangga’t kaya kong maglambing at ibigay, e di go,"saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN