Sheena Halili offers love advice for singles

IMAGE Kapusoprgirl on Instagram

Sheena Halili advises singles not to rush into a relationship: "Pagdating sa love, 'wag kayo magmadali. Kasi ako, matagal na akong single, pero masasabi ko na mas nakilala ko yung sarili ko."


Kahit na single ang Kapuso actress na si Sheena Halili, puwede pa rin daw siyang magbigay ng advice tungkol sa pag-ibig.

Kahit na walang karelasyon ngayon ang tinaguriang “Best Friend ng Bayan” dahil sa kanyang pagganap bilang best friend sa mga teleserye, dumaan naman daw siya sa ilang relationships.

Bagamat hindi raw naging successful ang mga ito, ang importante raw ay may naiwan na aral ito sa kanya.

“Feeling ko, yung masasabi ko na love, yung talagang naging better person ako.

“Yung parang naging pa-housewife yung peg ko.

“Nag-aral ako magluto, gusto ko laging maayos yung bahay pag pupunta siya, super talagang pa-impress.

“Kailangan sa love, nagpo-forgive ka talaga.

“Hindi lahat ng ine-expect mo ay mangyayari so kailangan mag-adjust ka talaga,” lahad ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naganap na press conference ng GMA primetime teleserye na Destined To Be Yours noong February 14.

LOVE ADVICE. Dagdag na payo pa ni Sheena, huwag daw madaliin ang pag-ibig.

Aniya, “Pagdating sa love, 'wag kayo magmadali.

“Kasi ako, matagal na akong single, pero masasabi ko na mas nakilala ko yung sarili ko.”

Best advice pa rin ni Sheena, habang single daw ay mag-enjoy sa buhay.

Dagdag niya, “Advice ko sa mga single na tulad ko na i-enjoy muna nila at gawin muna ang lahat ng gusto nilang gawin.

“Kasi pag nandoon ka na, hindi na lang ikaw 'yon.”

Kaya naman ini-enjoy ni Sheena ang pagbiyahe sa iba’t ibang bansa habang wala siyang commitment sa isang lalake.

TRAVEL BLOG. Bago nga naging busy si Sheena Halili sa taping ng Destined To Be Yours, may ginawa itong travel blog ng kanyang pagpunta sa Bali, Indonesia.

Mapapanood sa blog ang pagpunta niya sa isang outreach program sa Bali Children Foundation.

Matagal nang binabanggit ni Sheena na gusto niyang mapasama sa ilang outreach programs na may kinalaman sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hindi raw niya pinalampas ang pagkakataong ito na makatulong at makapagbakasyon.

Makikita rin sa blog ni Sheena ang pagsuot niya ng traditional Balinese costume at ang pakikipaglaro niya sa mga bata.

Nandoon din ang pagpunta niya sa Lombok beach at ang pagpapakain niya sa mga unggoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN