Patricia Javier notes more competition among newer generation of actors

IMAGE Rommel Gonzales

Patricia Javier on the current crop of local actors: "I think mas competitive kasi ngayon e, pagdating sa… Parang mas marami na ngayong nagta-try hard talaga na maging good dun sa craft nila, kahit mga bata pa sila."

 


Freelancer bilang artista si Patricia Javier simula pa noong 2016.

Hindi siya exclusive na Kapamilya artist at per project ang kanyang agreement sa ABS-CBN.

Huling napanood si Patricia sa Doble Kara kunsaan gumanap siya bilang ina ni Edgar Allan Guzman.

Mahusay raw na aktor si EA, ayon kay Patricia.

Lahad niya, “As in talagang pag inaano niya yung mga lines niya, ninanamnam niya every line talaga.

“Actually, alam mo, siya pa nga yung minsan nagtuturo sa akin, e.

“Kasi siyempre matagal din akong nawala sa showbiz.”

Halos thirteen years daw nawala si Patricia sa showbiz at dalawang taon pa lamang mula nang siya ay bumalik sa pag-arte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patricia nitong nakaraang February 16 sa Doc Rob’s Chiropractic Wellness (T. Morato Ave. corner Scout Madriñan, Quezon City) na klinika ng mister niyang si Dr. Rob Walcher na isang kilalang chiropractor.

Tinanong namin si Patricia kung ano ang masasabi niyang pinakamalaking pagkakaiba ng mga artista ngayon sa kanilang mga artista noong panahon niya.

Matatandaang ini-launch siya noong 1999 sa pelikulang Ang Kabit ni Mrs. Montero.

Pagkumpara niya, “Siguro ang difference lang kasi noon, parang konti pa lang talaga.

“Kumbaga, noon tumatatak yung mga artista dahil siguro konti pa lang, di ba?

“Hindi pa ganun kadami.

“Hindi tulad ngayon, parang ang daming artista, minsan hindi mo na alam kung…

“Ako mismo ha, personally parang sa dami ng mga bago, hindi ko na nakakabisado yung mga ano...

“Tapos, I think mas competitive kasi ngayon e, pagdating sa…

“Parang mas marami na ngayong nagta-try hard talaga na maging good dun sa craft nila, kahit mga bata pa sila.”

Hindi ba sila competitive noon?

Lahad niya, “Competitive din, pero kasi dati noon, parang pag mestisa ka, maganda ka, sexy ka, madali ka nang pumasok, e.

“Hindi katulad ngayon, parang ang daming maganda, ang daming sexy, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming competition na ganun.

“Although ako naman ngayon, siyempre iba namang level na rin na parang ngayon, mommy level, so hindi ko na yun, parang right now I’m more into…

“Ngayon talaga, mas napi-feel ko yung every work na ginagawa ko, yung you’re doing it kasi nag-e-enjoy ka na.

“Hindi katulad nun na parang I’m working kasi I need to work for my finances, for a living, na parang hindi ka puwedeng humindi.

“Pag may work, kahit parang ayaw mo, kailangang gawin mo, di ba?”

CONTEMPORARIES. Kapanabayan halos ni Patricia sina Ina Raymundo, Ara Mina, Sunshine Cruz at Joyce Jimenez.

Sila naman ni Ina ang mas madalas ikumpara dahil pareho silang nakapag-asawa ng foreigner.

“I’m very happy rin for Ina.

“Para ngang nakakatuwa, kasi di ba, karamihan kaming mga nag-sexy, parang we’re ending up with foreigners, di ba?” at tumawa si Patricia.

“Hindi naman sa ayaw namin ng Filipino.

“Ako, personally I love Filipino men, di ba?

“It just happened na iyon yung dumating, e.”

SOLID RELATIONSHIP. Eleven years na silang mag-asawa ni Doc Rob.

Mahirap ba ang naging adjustment na isang Amerikano ang asawa niya?

“Siyempe may mahirap din.

“Katulad ng language barrier,” at muling natawa si Patricia.

“Kasi siyempre, ako hindi ako pala-English talaga, e.

“Tagalog lang talaga.”

Pero si Doc Rob ang nag-aral managalog.

“O. di ba? Yun yun, e!

“Yun ang pagmamahal!” pagmamalaki niya.

Flattered si Patricia sa ginawang iyon ng mister niya.

Aniya, “Siyempre!

“Tapos, at the same time, siyempre yung family values natin magkaiba din, di ba?

“Siguro ang nangyari lang, I’m very open naman kasi with… alam ko Amerikano ang napangasawa ko, hindi ko puwedeng ihalintulad sa Pilipino.

“Siya rin alam niyang hindi naman ako Amerikana, so no expectations.

“Parang siguro kaming dalawa we always compromise.

“Na, ‘Kung ano yung mga nasa table ko, kainin mo, yung nasa table mo kakainin ko,’ parang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MORE SEXY PICTORIALS. Seksi pa rin si Patricia kaya naman kahit may asawa at dalawang anak na ay kinuha pa rin siya ng FHM para sa isang sexy pictorial last year, buwan ng Mayo.

Huling sexy pictorial na raw yun ni Patricia.

“No na, siyempre.

“Retired na ako diyan,” at muling tumawa si Patricia.

“Sabi ko, I think also Aubrey Miles sabi rin niya na last na niya yun.

“Siguro iba lang ngayon yung thinking namin.

“Siguro nag-mature na kami in a way… kasi we have kids. Parang ganun.”

Wala raw pagtutol si Doc Rob sa sexy pictorials ni Patricia sa FHM.

Kuwento niya, “Actually, ako ayoko na and then my husband, siya talaga yung nagsabi sa akin, ‘Alam mo why don’t you do it? Kasi anyway you’re turning forty.’

“Parang maging role model daw ako sa mga mommy na hindi porke mommy kailangang maging losyang.

“Dapat you still look good pa rin, ganun.

“Kaya parang, ‘Oo nga, ano? It makes sense, kaya sige na nga! Okay, sige.’”

Pero hindi na raw siya muling papayag.

“Pero it’s very flattering lang kasi FHM still asked me to do it, di ba?

“Parang sabi ko, ‘Oh wow, sige.’

“Pero parang ngayon, with a purpose na.

“Siguro iyon ang difference between yung dalaga and may asawa.

“Ngayon, parang we’re doing it parang laging kailangan may rason. 'Makakasama ba ito sa mga anak ko o makakabuti ba ito sa amin?'

“Parating may ganun ka na, hindi katulad noon, sige ka lang ng sige,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN