Bianca Gonzalez: "Hindi lahat ng nakikiisa sa EDSA ay dilawan."

IMAGE Instagram

Known for being vocal about her views on politics, TV host Bianca Gonzalez tweeted this weekend that supporting the EDSA Revolution anniversary doesn't necessarily mean she is a "yellowtard." 


Nagkomento si Bianca Gonzalez kaugnay ng ginanap na ika-31 anibersaryo ng People Power Revolution sa EDSA Shrine nitong Sabado, February 25.

Ang EDSA Revolution o People Power Revolution ay ang makasaysayan at mapayapang demonstrasyon na naganap noong February 1986.

Ito ang naging daan upang pabagsakin ang rehimen ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, na naging Pangulo ng Pilipinas sa loob ng 20 taon.

Sa tweet ni Bianca, ipinahayag nitong hindi lahat ng nakikiisa sa ginanap na rally sa EDSA Shrine ay “dilawan.”

Ang terminong “dilawan” ay kalimitang tawag sa kaalyado o supporters ng parehong rehimeng Aquino ng mag-inang naging Pangulo ng Pilipinas—sina Cory Aquino (1986-1992) at Noynoy Aquino (2010-2016).

Isa pang bansag ng mga tagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dilawan ay “yellowtard.”

Sunud-sunod din ang pag-retweet ni Bianca ng tweets na nagpapahayag na ang EDSA rally noong Sabado ay higit pa sa pagiging pro-Aquino.

Ito raw ay paggunita sa pagkakaisa ng mga Pilipino upang ibalik ang demokrasya sa Pilipinas.



Naging mainit ang ginanap na pagdiriwang ng EDSA Revolution noong Sabado matapos kumprontahin ng veteran singer na si Jim Paredes ang ilang pro-Duterte youth na pumunta rin sa nasabing rally.

Si Jim ay kilalang tagasuporta ni PNoy at anti-Duterte.


Stories We Are Tracking

Bianca Gonzalez appreciates President Duterte
Bianca Gonzalez appreciates President Duterte
Jim Paredes confronts Duterte supporters at EDSA rally
Jim Paredes confronts Duterte supporters at EDSA rally

Isa si Bianca sa mga artistang very vocal sa kanyang political views. Ilang beses na siyang na-bash dahil dito.

Noong nakaraang taon, may mga tweet si Bianca kung saan sinabi niyang hindi man siya sang-ayon sa mga opinyon ni Pangulong Duterte, may mga nagagawa naman ito para sa ikabubuti ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN