Kiana Valenciano finally admits relationship with Sam Concepcion

IMAGE Instagram photo of Kiana Valenciano

Kiana Valenciano smiled and nod when asked by Vice Ganda if she's already in a relationship with Sam Concepcion.


Hindi na nakaiwas si Kiana Valenciano nang tanungin siya ni Vice Ganda kung may relasyon na sila ni Sam Concepcion sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, February 26.

Kasama ni Kiana ang pinsan niyang si Donny Pangilinan na nag-guest sa late-night weekly talk show ni Vice.

Habang pinag-uusapan ang tungkol sa sikat na ama ni Kiana na si Gary Valenciano, biglang tinanong ni Vice si Kiana: “May boyfriend ka ba? Kayo na ni Sam?”

Natawa lamang ang 24-year-old na bunsong anak nina Gary at Angeli Pangilinan habang ipinapakita sa background ang social media posts kunsaan magkasama sila ni Sam.

Kasunod na tanong ni Vice kay Kiana: “Matagal na kayo? Ilang months na kayo?”

Muling natawa si Kiana at sinabing, “Oh, my gosh!”

Komento naman ni Vice sa kanya, “Oh, ang pa-girl naman nito. Babae na, nagpa-girl pa?”

Sabay muling tanong ng GGV host kay Kiana: “Pero officially kayo na?”

Tumango lamang si Kiana habang nakangiti bilang tugon.

Bubbles, balloons and prom. ?????????? My first "prom" hahah #MoetMoment #FUJIxKIANA

A post shared by Kiana Valenciano ???? (@kianavee) on

Just a couple of misfits. #FUJIxKIANA

A post shared by Kiana Valenciano ???? (@kianavee) on

Nagsimula ang usap-usapan tungkol kina Kiana at Sam nang mapansin ng netizens ang pagiging malapit nila sa isa't isa noong nakaraang taon.

Ngunit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa isang panayam, sabi ng actor-singer, “I think I'll say it at the right time, because I don't want to say anything that…”


Stories We Are Tracking

Sam Concepcion mum about status with Kiana Valenciano
Sam Concepcion mum about status with Kiana Valenciano
Sam Concepcion on Kiana Valenciano: We're very, very close.
Sam Concepcion on Kiana Valenciano: We're very, very close.

Sa isa pang hiwalay na panayam ng PEP kay Kiana, paiwas naman siyang sumagot sa status nila ni Sam. 

Sabi niya, “I've known Sam since I was nine years old. So we're around each other all the time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN