Newbie Markus Paterson denies courting Daniel Padilla's sister

IMAGE Glen Sibonga

Markus Paterson finds opportunity in defeat. He failed to make it in the talent search Pinoy Boyband Superstar, but he is now a brand ambassador and making his way in showbiz as an Star Magic artist. He vows, "I will do my best… sa acting and singing, kasi iyon ang mga pangarap ko sa buhay." 


Nilinaw ng Star Magic talent at Pinoy Boyband Superstar contestant na si Markus Paterson ang tungkol sa pagpunta niya sa bahay nina Daniel Padilla, kung saan nag-ugat ang isyung nililigawan daw nito ang kapatid ng aktor na si Margaret Ford Planas o Magui.

Anak ni Karla Estrada si Magui kay Mike Planas at si Daniel naman ay kay Rommel Padilla.

Paliwanag niya, “I’m just going there kasi kaibigan ko naman si Daniel, pero hindi ko talaga nililigawan yung kapatid niya.

“Nagulat din po ako kasi I’m just trying to be friendly with the whole family, not just Daniel.”

Sa pagdalaw-dalaw nga ni Markus sa bahay nina Karla at Daniel ay nakilala niya si Magui at ang iba pang kapatid ng Kapamilya star.

Ano ang masasabi niya kay Magui?

Ayon kay Markus, “Mabait siya, she’s pretty.

"Pareho kasi kaming naglalaro ng football so nagkasundo kami.

“Parang we share a common interest, pero not to the point naman na nililigawan ko na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markus sa press launch na inihanda ng BNY Jeans para sa kanya at female counterpart niyang si Nicole Grimalt bilang latest brand ambassadors na dumagdag kina Barbie Forteza, Jake Vargas, Joshua Garcia, at Michelle Vito.

Nanalo ang dalawa sa BNY Search for the NextGen Ambassadors noong Disyembre.

Ginanap ang press launch sa Salu restaurant sa Scout Torillo, Quezon City, nitong Linggo, February 26.

PADILLA CONNECTION. Nagsimula raw ang pagkakaibigan nina Markus at Daniel sa "Chillout" segment ng ASAP.

Lahad ni Markus, “Palagi po silang nagge-guest doon so, parang, ‘Hey, what’s up, bro?’

At matapos daw ang unang guesting niya sa Magandang Buhay, kung saan co-host si Karla, inimbita raw nito si Markus sa kanilang bahay bilang kaibigan siya ni Daniel.

Kuwento ng newbie actor, “Nag-hello, hi, tapos sabi niya dalaw naman ako minsan sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, dumadalaw ako, parang matagal na kaming hindi nag-catch up, e.”

Sa pagdalaw-dalaw nga ni Markus sa bahay nina Karla at Daniel ay nakilala niya si Magui at ang iba pang kapatid ng aktor.

Pero iginiit niyang hindi raw priority sa kanya ang panliligaw at pagkakaroon ng girlfriend.

Naka-focus raw siya sa kanyang showbiz career.

LOSE SOME, WIN SOME. Unang nakilala ng mga tao si Markus bilang isa sa finalists ng Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN kamakailan lang.

Hindi pinalad si Markus na mapabilang sa winners ng talent search.

Pero lahad niya, “Okay lang, I wasn’t too disappointed with the results.

“I was happy kasi nakapag-perform ako nang live.”

Nakapag-guest naman daw siya sa Kapamilya shows na Tonight with Boy Abunda, Home Sweetie Home, Umagang Kay Ganda, at It’s Showtime; bukod sa ASAP at Magandang Buhay.

Samantala, ang limang winners ng Pinoy Boyband Superstar na sina Joao Constancia, Niel Murillo, Russell Reyes, Ford Valencia, at Tristan Ramirez ay ginawang grupo at kilala na ngayon bilang BoybandPH.

Naniniwala raw siyng may nakalaang iba pa para sa kanya.

Pahayag ni Markus, “Noong natanggal ako, okay lang kasi may plano naman si Lord sa akin.

“Kaagad ngang dumating yung opportunity nang manalo ako and became a BNY ambassador.”

Malaking boost nga raw ito para sa kanyang showbiz career.

“Of course, iba kapag may endorsement ka na, di ba?

“So I will do my best… sa acting and singing, kasi iyon ang mga pangarap ko sa buhay.

“I’ll try my best to pursue that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN