Janine Gutierrez clarifies reasons for agreeing to calendar pictorial

IMAGE Noel Orsal

Janine Gutierrez: "Ang goal ko din talaga sana this year ay mas mag-mature, parang growing up, kumbaga. Mas maging healthy, mas mag-workout, mas mag-diet."

 


For the first time ay nagsalita si Janine Gutierrez tungkol sa pagsusuot niya ng swimsuit para sa isang calendar pictorial, gayong tumatanggi siyang mag-pose para sa men’s magazines.

“Actually wala akong picture na naka-two-piece lang ako.

“It’s either may shorts or may polo or naka-one-piece,” paglilinaw ng Legally Blind actress.

May dahilan daw kung bait siya pumayag para sa kalendaryo ng Petron Motor Oils.

“Una sa lahat, na-excite po talaga ako kasi mahilig po talaga ako sa kotse, di ba, kasi si Papa,” aniya.

Ang tinutukoy ni Janine ay ang ama niyang aktor at car enthusiast na si Ramon Christopher Gutierrez.

Patuloy niya, “Masuwerte kasi talagang tinanong nila kung hanggang saan lang yung kaya ko, ganyan-ganyan.

“Very easy to talk to sila, hinayaan nila ako na pumili ng team ko, so mas naging kumportable.”

Lahat raw ng aspeto sa naturang pictorial ay may consent si Janine at ng ina niyang si Lotlot de Leon.

“Sinabi rin ni Mama kung ano lang yung payag ko,” sabi niya.

Sa umpisa ay alanganin pa raw si Janine na tanggapin ang alok ng kumpanya.

Kaya lang naisip daw niya, konti lang naman ang skin exposure.

“Pressure na din sa sarili ko.

“Mas maging healthy, mas mag-workout, mas mag-diet.

“Kasi ang goal ko din talaga sana this year ay mas mag-mature, parang growing up, kumbaga.”

NO ISSUES. Speaking of maturity, nasabi rin ni Janine, “Wala, wala akong mga issues sa buhay.”

At tumawa si Janine nang mabanggit dito si Janella Salvador, ang ka-love team ngayon ng ex-boyfriend niyng  si Elmo Magalona.

Nagkakilala na nga raw silang dalawa sa isang event ng isang soap brand noong 2016.

Si Janine pa nga raw ang lumapit kay Janella, “Kasi siya lang yung hindi ko pa nami-meet sa mga endorsers.”

Si Janine din ang nag-break ng ice sa pagitan nila ni Lauren Young, na ex-girlfriend din ni Elmo at kasama niya ngayon sa Legally Blind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya iyon nagagawa?

Pakli niya, “Bakit? Mali ba?”

Paliwanag pa ni Janine, “Gusto ko lang po na malinaw.”

Nilinaw rin niyang wala talagang isyu sa kanila ni Janella, ganun din kay Lauren, at sa kanilang dalawa ni Elmo.

KIDS’ CHOICE CONTENDER. Nagkataon namang kaisa-isang Kapuso star si Janine na nominated bilang Favorite Pinoy Star sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2017.

Makakatunggali niya rito si Janella, kasama ang Kapamilya stars din na sina Liza Soberano at Nadine Lustre.

Bulalas ni Janine, “Hindi ako makapaniwala!”

Si Maine Mendoza ang nanalong Favorite Pinoy Personality sa Nickelodeon Kids' Choice Awards 2016.

Puro Kapamilya rin ang mga nakalaban ni Maine. Sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid.

Pagpapatuloy ni Janine, “Excited, kasi nung bata ako talagang pinapanood ko yung Kids’ Choice Awards, e.

“It’s really something na pamilyar kami ng mga kapatid ko, pinapanood namin.

“Masaya, flattered po, napakasuwerte ko kasi binoboto ako ng mga Kapuso.

“Tini-tweet nila ako so damang-dama ko talaga yung suporta.

“Pati yung mga bumoto kay Maine last year, tini-tweet nila ako, na supportive sila.

“So I’m so, so happy to be the representative ng GMA doon.”

Gaganapin ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2017 sa March 11, 8 p.m. (U.S. time) sa USC’s Galen Center sa Los Angeles, California.

Eere ito sa Pilipinas sa March 13, 11:30 A.M.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN