Baste Duterte admits overlapping relationships with Kate Necesario and Ellen Adarna

IMAGE @sebastianduterte on Instagram

Umamin si Sebastian 'Baste' Duterte na pinagsabay niya noon sina Kate Necesario at Ellen Adarna. At alam daw ng dalawa ang kanilang estado sa buhay niya. 


Inamin ng presidential son na si Sebastian "Baste" Duterte na nagkasabay ang mga relasyon niya kina Kate Necesario at Ellen Adarna.

Ginawa ni Baste ang pahayag na ito sa panayam sa kanya ni Luchi Cruz-Valdes para sa programang Reaksyon, na mapapanood ngayong linggong ito sa TV5.

Tinanong ni Luchi si Baste kung paano nag-work ang relasyon nila ni Kate, na kanyang kinakasama noon, kasabay ng relasyon nila ng aktres na si Ellen.

Tugon ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, “Sila yung nag-work nun, e. Alam nila yun.

"Alam nilang dalawa and pumayag naman sila. Anong magagawa ko?"


BASTE'S LOVE LIFE. Samantala, inamin din ni Baste na mayroon siyang bagong karelasyon ngayon. 

Apat na taon na raw sila ng babaeng tinutukoy niya.

Sa hiwalay na interview ni MJ Marfori ng News5 sa presidential son ngayong araw, tinanong niya si Baste kung kumusta ang love life nito ngayon.

Sagot ni Baste, “Yeah, may girlfriend ako. Yung girlfriend ko pa talaga noon. Four years na kami.”

Pero hindi niya pinangalanan kung sino ang kasalukuyan niyang karelasyon.

Ngunit sa pakipagpalitan niya ng mensahe sa kanyang Instagram followers noong February 2, sinabi ni Baste na hindi pa sila break ni Kate Necesario.

Read: Baste Duterte confirms breakup with Ellen Adarna; still in a relationship with non-showbiz GF

(Baste Duterte with TV5 reporter MJ Marfori.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN