Maine Mendoza admits to having birthday blues

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza explains why she is having birthday blues and what she wants for her 22nd birthday.


Inamin ni Maine Mendoza na nakararamdam siya ng birthday blues ngayong nalalapit na ang kanyang 22nd birthday.

Sa Biyernes, March 3, magdiriwang ng kaarawan ang phenomenal star.

Paliwanag ng TV host-actress, mabilis lang lilipas ang espesyal na araw na isang taon niyang hinintay.

Excited ba siya sa kanyang nalalapit na kaarawan?

Sagot ni Maine, “Opo. Pero nalulungkot ako, yung birthday blues, yung tawag nila.

“Ewan ko po, parang ayoko pong mag-birthday, kasi isa po yun sa pinaka nilu-look forward ko.

"Parang nakakalungkot, kasi parang feeling ko, pag birthday ko, wala na, tapos na after nun.

“Isang taon na naman ng paghihintay po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine sa “Dare to be Funtastyk” promo ng iniendorso niyang Funtastyk Young Pork Tocino, na ginanap sa Lemuria Restaurant, Horseshoe Village, Quezon City, nitong Martes ng gabi, February 28.

Usisa ng PEP: Ano ang birthday gift niya sa sarili?

Tugon ni Maine, “Wala po.

"Pero siguro yung ano na lang po, yung sa tour ng 'Kalyeserye' sa US.

"Sana po mabigyan po ako ng chance na makapag-segue to New York po, para po kahit papa'no, yun na po yung birthday gift and mini-summer ko na rin po for myself."

Wala rin daw ideya si Maine kung may sorpresang inihahanda sa kanya ang loveteam partner na si Alden Richards.

“Yun po ang di ko alam kasi hindi naman po namin pinag-uusapan yun.

“Kung meron man po siyang surprise, sabay-sabay na lang po tayong magulat.”

Success ng teleserye nila ni Alden na Destined To Be Yours ang birthday wish ni Maine.

Sa ngayon, ang tiyak pa lang daw sa birthday celebration ng dalaga ay ang dinner kasama ang mga kaibigan at pamilya sa Biyernes.

BONDING WITH THE FANS. Samantala, masaya si Maine na nagkaroon ng pagkakataong makipag-bonding sa kanyang fans sa ginanap na promo ng iniendorso niyang tocino brand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Masaya, kasi po nabalitaan ko na yung iba po sa kanila, may galing pang Davao. Talagang iba't ibang parte ng Philippines.

"So, nakakatuwa na nabigyan sila ng chance na makapunta dito at makapag-spend ng time with me kahit over dinner lang.”

Dalawampung fans ni Maine ang napili sa “Dare to be Funtastyk” promo mula sa daan-daang aplikante, at nagkaroon sila ng chance na magkaroon ng intimate dinner kasama ang Dubsmash Queen.

Nagsumite ng videos ang mga aplikante na nagpapakita ng paggawa ng challenges na ipinost ni Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN