Sam Milby victimized by thieves in Paris

IMAGE Instagram photo of Sam Milby

"The guys stole my passport thinking it was my wallet," says Sam Milby about his experience on the first day of his vacation in Paris.


Hindi naging maganda ang unang araw ni Sam Milby sa Paris.

Sa kanyang Twitter account kagabi, February 28, ibinahagi ni Sam na nanakawan siya sa isang train station nang dumating siya sa capital ng France.

Aniya, “Landed & took the train to the apartment... Then 3 men tried to rob me at the station. Not the best way to start my first time here in Paris.”

Sa sumunod niyang tweet, binanggit ni Sam na nakuha ng mga magnanakaw ang kanyang passport.

“The guys stole my passport thinking it was my wallet,” sabi niya.

Ayon sa Cornerstone Entertainment Inc., ang talent management na namamahala ng showbiz career ni Sam, nasa Paris ang Kapamilya actor para sa personal na bakasyon.

Hindi naman naiwasang mag-alala ng ilang malalapit na kaibigan at fans ni Sam dahil sa kanyang post.

Sa katunayan, nag-tweet pa si Camille Prats, kapatid ng best friend ni Sam na si John Prats, para paalalahanan siyang mag-ingat.

Narito pa ang ilang paalala ng fans kay Sam:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN