Sandy Andolong attests that daughter Mariel de Leon is au naturel: "Walang opera 'yan, natural 'yan."

IMAGE Mariel de Leon Instagram / Noel Orsal

Sandy Andolong says the only change in her daughter Mariel de Leon is her weight loss: "Pinagpapayat siya talaga, sabi sa kanya… kaya nagpapayat siya talaga."

 


Nagpahayag ng suporta si Sandy Andolong sa muling pagsali sa Binibining Pilipinas ng anak nila ni Christopher de Leon na si Mariel de Leon.

Unang sumali si Mariel sa Binibining Pilipinas noong 2013, ngunit hanggang semifinals lang ang inabot nito.

Pahayag ni Sandy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung nagpaalam siya sa amin ni Christopher, ayaw ko sana talaga.

“Si Boyet, okay sa kanya, pumayag siya agad.

“Pero gusto kasi ng anak ko, kaya suportahan ko siya.

“Buo ang suporta ko sa kanya, kasi yun talaga ang gusto niya, e.

“Basta sabi ko sa kanya, 'Your walk with God is very important.'

“I-honor niya ang God sa lahat na lakad niya, lahat na ginagawa niya, sa lahat na sinasabi niya.

“Pati sa mga taong nakakasalamuha niya.”

Mabuti na lang daw at nakikita naman niya sa anak kung gaano kalakas at kalalim ang pananampalataya nito sa Diyos.

Kaya raw kampante siyang dadalhin ito ni Mariel sa kanyang paglaban sa pageant night ng Binibining Pilipinas 2017 na gaganapin sa April.
   
Paalala lang daw ni Sandy sa kanyang unica hija, “Just be yourself, huwag siyang magpa-impress.

“Basta totoo lang siya, kung ano siya, yun ang ipapakita niya.”

AU NATUREL. Itinanggi naman ni Sandy ang paratang ng ilan na nagparetoke si Mariel kaya lalo itong gumanda.

Marami kasi ang nakapansing parang may binago kay Mariel, kaya baka mayroon daw itong ipinaayos sa kanyang mukha.
   
“Walang opera ‘yan, natural ‘yan,” bulalas ng aktres.

“Pinagpapayat siya talaga. Sabi sa kanya, 'You have to lose a lot of weight.'

“Kaya nagpapayat siya talaga.”
   
Hindi naman daw isyu sa kanya kung sakaling may ipinaayos o ipinaretoke si Mariel.

Natatawa niyang sabi, “Ano naman kung sakali?

“Ang daming artista diyan na retoke mula ulo hanggang paa.”

Pero iginiit niyang hindi dumaan sa ganun ang anak.

Si Jonas Gaffud ng Aces and Queens ang nag-aayos at personal na nag-aasikaso ng training ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw pinapakialaman ni Sandy ang pagma-manage ni Jonas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN