Sinon Loresca reveals showbiz crushes; names Maine Mendoza as most beautiful celeb

Who is the most beautiful female star for Sinon Loresca? He says, "Ay, siyempre si Maine Mendoza! Kasi ang ganda niya, ito yung sinasabi na gandang pang-masa. Na hindi ka magsasawa. Na hindi ka magsasawa sa mukha niya."


Pinangalanan ni Sinon ‘Rogelia’ Loresca ang tatlong local male celebrities na crush niya.

Pag-amin ng gay TV personality, “Sa showbiz, ang una sa GMA, of course, si Aljur Abrenica. Crush ko kaya siya!

“Kasi alam niyo po, ganito ‘yan, nung una, back [in] 2012, nagbakasyon ako sa Pilipinas, lahat ng mga sexy billboards, sa kanya.”

Sa London naka-base si Sinon bago naging celebrity rito sa Pilipinas.

Patuloy niyang kuwento, “Ang dami niyang mga sexy billboards, yung mga naka-topless lang siya.

“Ang sexy niya! Sabi ko, ‘My Gosh!’

“Sabi ko, one day magiging sexy na ako.

“E, kinabog ko siya ngayon sa social media, mas sexy ako. Charot!”

Kilala si Sinon sa pagkakaroon ng matipunong katawan at pagrampa na parang beauty queen.

Hindi pa raw nami-meet ni Sinon nang personal si Aljur Abrenica.

“Sana ma-meet ko. Hindi pa, hindi pa kami nagkita.”

Ano ang masasabi niya ngayong magiging tatay na si Aljur sa anak nila ng girlfriend na si Kylie Padilla?

“Okay lang po, sana maging nanay din ako. Charot!” bulalas ni Sinon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sinon sa taping ng upcoming drama series ng GMA Network na Impostora.

PIOLO AND ALDEN. Ang pangalawa sa listahan ng showbiz crushes ni Sinon ay ang Kapamilya matinee idol na si Piolo Pascual.

“Matagal ko na po siyang crush!” bulalas niya.

Ano ang nagustuhan niya kay Piolo?

“Lahat—mukha, katawan, magaling na artista, magaling umakting sa kamera, mabait.”

Hindi pa rin daw niya nami-meet nang personal si Piolo. Paano niya nasabing mabait ito?

Sagot ni Sinon, “E, feeling ko lang. Meron akong feeling na mabait talaga, may feeling talaga ako.”

Hindi ba siya naapektuhan ng mga tsismis tungkol kay Piolo, na kinukuwestiyon ang gender nito?

Ayon sa social-media star, “Alam niyo po minsan ang tao, hindi talaga mawala sa kanila ang tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan dapat ang tsismis, nasa isip mo lang, nasa ‘yo lang, huwag mo nang ilabas kasi alam mong makakasira ka ng tao.

“So, ako, hindi ako naapektuhan.

“Basta kung ano si Piolo, siya yun, iyon ang pagkatao niya, iyon siya.”

Sino ang pangatlo sa listahan niya?

“Of course, siyempre ang katrabaho ko, si Alden,” sagot niya.

Magkasama sina Sinon at Alden Richards sa noontime show na Eat Bulaga.

Aniya, “Kasi si Alden, nakatrabaho ko na siya, ilang beses na sa Kalyeserye.

“Napakabait, sobra! Napaka-sincere, guwapo.”

Alam ba ni Alden na crush ito ni Sinon?

“Alam niya na yun! Lagi kong sinasabi sa kanya, crush ko siya.

“Pero crush na tipong parang kapatid. May respeto, walang pagnanasa.

“Of course. Para ko na po siyang kapatid.”

“Ilang beses ko na siyang nakatrabaho sa Kalyeserye, so iyon lang po.”

IF I WERE A GIRL. Halimbawa namang mabigyan siya ng pagkakataong maging isang babae, sino ang nais niyang maging?

“Kung maging babae ako, na maging artista? Ang hirap…

“Ang hirap, e. Kasi lahat magagaling,” sabi ni Sinon.

Yung makakamukha niya physically ang kagandahan?

“Ganun po ba? Kasi ang pagkakataong ito, bakla ako, pero ayokong maging babae, e.”

Kahit isang araw lang?

“Hindi ko masabi, e. Wala e, lahat sila magagaling, idolo ko sila, pero hindi ko mapangalanan kung sino talaga.”

Kanino ba siya nagagandahan na artista?

“Ay, siyempre si Maine Mendoza!” sagot agad ni Sinon.

“Kasi ang ganda niya, ito yung sinasabi na gandang pang-masa. Na hindi ka magsasawa. Na hindi ka magsasawa sa mukha niya.

“Na habang tumatagal, mamahalin mo siya.

“Madami na po ako nakita international, galing pa ako ng London, mas magaganda pa sa lahat.”

Pitong taong nagtrabaho si Sinon sa Burberry shop sa London.  

Patuloy niya, “Kasi minsan sa akin, ang ganda ng mukha, gusto ko in character, nasa character ng pagkatao mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong makakita ng mukha na napakaganda mo, pero ang character mo, hindi maganda.

“Pangit yun sa akin, e.”

Si Maine daw ay maganda na at mabait pa.

“Perfect! Oo, attitude, mukha, ugali, lahat.”

Samantala, mapapanood ang kuwento ng buhay ni Sinon sa weekly Kapuso drama anthology na Magpakailanman sa Sabado, March 4.

May pamagat na “Ang Rampa Ng Buhay Ko,” si Sinon mismo ang gaganap bilang siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN