Tila nagiging malapit na sa isa't isa ang Home Sweetie Home co-stars na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Sa Instagram post ni Ellen ngayong Huwebes, March 2, makikita sa larawan na kasama niya si John Lloyd at iba pang mga kaibigan.
Kuha ang larawan sa Sitio Remedios, Currimao, Ilocos Norte.
Isa sa mga kasama nina Ellen at John Lloyd ang musician na si Rico Blanco.
Sa bakasyong ito naganap ang wedding proposal ni Norman Crisologo sa Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez.
Ang larawan ng memorable moment na ito nina Beauty at Norman ay ipinost din ni Ellen sa kanyang Instagram account kagabi, March 1.
Bago ito, ilang beses na ring nakitang magkasama sina John Lloyd at Ellen.
Ngunit agad nilinaw ni John Lloyd sa isang maiksing panayam ng Tonight With Boy Abunda na hindi sila nagde-date ni Ellen.
Sinabi rin ni Ellen sa press conference ng Home Sweetie Home na hindi nagpaparamdam si John Lloyd sa kanya.