Robi Domingo on breakup with Gretchen Ho: "I'm still hurting."

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on breakup with Gretchen Ho: "Siyempre with all the things that happened, kailangan mag-move forward kasi there's no time to be sad muna."


Nagbigay ng maiksing pahayag si Robi Domingo kaugnay ng paghihiwalay nila ni Gretchen Ho.

Kinumpirma sa wakas nina Robi at Gretchen ang matagal nang usap-usapang break na sila sa pamamagitan ng official statement na inilabas sa Tonight With Boy Abunda, nitong Miyerkules ng gabi, March 1.

Inamin ni Robi na nasasaktan pa siya sa paghihiwalay nila ni Gretchen.

Ngayong araw, March 2, nakausap ng entertainment press si Robi sa press conference ng upcoming ABS-CBN reality show na I Can Do That.

Dito ay inusisa ang TV host kung kakayanin ba niya ang breakup nila ng volleyball player-turned-TV personality.

Tugon ni Robi, “I have to.”

Paliwanag niya, “Siyempre, with all the things that happened, kailangan mag-move forward kasi there’s no time to be sad muna.

“I have the fair share of my sadness.

“Honestly,  until now, I’m still hurting, pero kailangan kong mag-focus kasi you got lots on your plate.”

Ayaw raw niyang sayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya bilang host, kasama si Alex Gonzaga, ng I Can Do That.

Pahayag ni Robi, “Ito na yung opportunity, antagal mong hinintay itong moment na ito.

“Right now, with all the things that happened, I can do that because I have to.”

Sa official statement ng dating magkasintahan, nilinaw nilang walang third party involved sa kanilang breakup, kaugnay ng pagli-link kay Robi sa K-Pop star na si Sandara Park.

Ang I Can Do That ay pangungunahan nina Cristine Reyes, Arci Munoz, Sue Ramirez, Gab Valenciano, JC Santos, Wacky Kiray, Daniel Matsunaga, at Pokwang.

Magsisimula ang programa sa March 11.


Stories We Are Tracking

Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Gretchen Ho to clarify rumored split with Robi Domingo soon
Gretchen Ho to clarify rumored split with Robi Domingo soon


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN