Mayor Inday Sara Duterte welcomes third child, son Stonefish

IMAGE Instagram photo of Paolo Duterte

Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio and husband Atty. Manases Carpio welcome their third child, Baby Stonefish.


Isinilang ni Davao City Mayor Sara “Inday Sara” Duterte-Carpio ang ikatlong anak nila ni Atty. Manases Carpio kaninang tanghali, March 2.

Sa pamamagitan ng caesarean section, nagsilang ang presidential daughter ng isang malusog na baby boy.

Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang anak na "Stonefish."

Ayon sa ulat ng GMA News, si Baby Stonefish ay may bigat na 2.42 kilos o 5.3 pounds.

Noong August 2016 ay inanunsiyo ng ama ni Mayor Duterte na si President Rodrigo Duterte, na triplets ang ipinagbubuntis ng kanyang anak.

Ngunit nakaranas ng miscarriage si Inday Sara noong September 2016, na naging dahilan ng pagkalaglag ng dalawa sa tatlong ipinagbubuntis niya.

Bukod kay Stonefish, may dalawa pang anak sina Inday Sara at Mans na may mga palayaw na Sharky at Stingray.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN