Gab Valenciano reveals divorce with Tricia Centenera "already in process"

IMAGE Noel Orsal

Gab Valenciano on divorcing estranged wife Tricia Centenera: "Definitely we are trying to resolve that at the moment, which is to legalize the separation."


Inaayos na ang divorce papers ng estranged couple na sina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Ito ang ibinahagi ni Gab nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa grand launch ng ABS-CBN reality show na I Can Do That nitong Huwebes ng tanghali, March 2.

Ayon sa pangalawang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, “The separation and legalities are already in process.

"All the details are in process already, and I think it will happen within the next month.

“I would much rather answer when it is clear, but definitely we are trying to resolve that at the moment, which is to legalize the separation.”

Hindi pa raw nila naipa-file ang mga dokumento para sa kanilang divorce sa U.S.

“We’re still in talking terms right now.

“But that’s the beauty of it, nag-uusap kami. Hindi kami nag-aaway.

"Minsan nagkikita kami," sabi pa ni Gab.

Inilahad ni Tricia sa eksklusibong panayam ng PEP, noong October 2016, na dapat sana ay ipa-file na ni Gab ang divorce papers nila sa U.S. noong December 2016.

Ipinaliwanag ni Gab kung bakit hindi ito natuloy.

Aniya, “We already have documents with us, but it’s just a matter of putting it all together.

“Kasi in the US, where we’re filing, pag nagkamali ka ng papeles, ang hirap na, e. Ang hirap ulitin.

"So we’re trying to perfect everything para at least pagka-file namin, everything is set in stone already."

Ikinasal sina Gab at Tricia sa U.S. noong October 2014 at nagkaroon ng dalawang hiwalay na seremonya sa Pilipinas noong 2015.

Sa kabila ng paghihiwalay, nananatiling magkaibigan ang dalawa. 

Sa naunang pahayag ni Tricia, may kinalaman daw sa third party at money issue ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Stories We Are Tracking

Tricia Centenera reveals Gab confessed his mistakes
Tricia Centenera reveals Gab confessed his mistakes
Gab-Tricia split caused by infidelity and money, says source
Gab-Tricia split caused by infidelity and money, says source

NOT READY. Dito ay sinabi niyang hindi pa siya handa sa buhay may-asawa kaya nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Tricia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To be honest, the advice that I give to people, to make sure that when you get into something this major—anything in life, business, marriage, friendship—you need to be prepared for it.

“For marriage, you need to be 801 million percent prepared for something that major.

“I believe in my heart that I wasn’t emotionally, mentally prepared for something like that,” sabi ng 28-year-old music artist.

Nakaapekto rin daw ang pagkakaroon nila ng long-distance relationship noon.

Nakabase sa US si Gab habang nasa Pilipinas si Tricia.

Inamin din ni Gab na inakala niyang handa na siyang magpakasal dahil marami sa mga kakilala niya noon ang sunud-sunod na nagpapakasal.

“There was also that sense na parang it’s time na everybody also was getting married.

"It was a season of marriage. Parang lahat is getting married na.

“But one thing for sure is I don’t regret,” sabi niya. 

Mapapanood ang I Can Do That sa ABS-CBN sa March 11. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN