Indie actor Ronwaldo Martin reveals why brother Coco slapped him in front of gays

IMAGE Mark Atienza

Ronwaldo Martin on slapping incident with brother Coco Martin: "Sinampal po ako ng kuya ko sa harap ng mga bading. E, sabi niya, nambabading daw po ako, e! Kaya po yun, nadala po ako. Nadala po ako nun."


Aminado ang indie film actor na si Ronwaldo Martin na naligawan na siya ng bading sa tunay na buhay.

Kuwento niya, “Bata pa po ako noon, mga pa-backride-backride pa lang po ako sa tricycle, ganun.”

Nag-backride lamang siya sa tricycle ay naligawan na siya ng bading?

Paliwanag ni Ronwaldo, “Hindi po… pag tumatambay po ako dati, madaling-araw na po kasi ako umuuwi nun, e.

“Mga four [A.M.] po ako umuuwi, e. Meron pong mga bading na pagala-gala, tapos siyempre kami mga tambay, ganun, lalapitan kami.

“Tapos kunyari, kilala yung kaibigan ko, tapos tatanungin kung puwede ba ako, ganun.”

Alam naman daw ng mga bading sa kanilang lugar na kapatid niya ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Ano ang isinasagot niya sa mga bading na "nanliligaw" sa kanya?

“Gugulpihin po sila ni Kuya pag nalaman po, e,” sagot niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronwaldo sa presscon ng pelikulang Bhoy Intsik, na ginanap sa Luxent Hotel ngayong Huwebes, March 2.

Ang Bhoy Intsik ay entry sa Sinag Maynila Film Festival 2017.

SLAPPING INCIDENT. Kapag may lumalapit sa kanya ay tumatanggi raw agad siya. At dito na ikinuwento ni Ronwaldo kung paano siya nakatikim ng sampal mula sa Kuya Coco niya.

“Araw po ng mga Patay nun, nakaupo lang po ako sa hood ng jeep namin, tapos may lumapit po sa aming bading.

“Kasi andun ang kuya ko, tapos tinatanong kung kapatid ako, sinampal po ako ng kuya ko sa harap ng mga bading.”

Bakit siya ang sinampal?

“E, sabi niya, nambabading daw po ako, e! Kaya po yun, nadala po ako. Nadala po ako nun.”

Hindi na raw siya nakapagpaliwanag sa Kuya Coco niyang wala naman siyang anumang relasyon sa mga bading na lumapit sa kanya that time.

“Wala akong magawa kay Kuya, e, si Kuya yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Umiyak po ako nun!”

Sikat na ba ang kuya niya noon?

“Sa Tayong Dalawa pa lang po ata,” sagot ni Ronwaldo.

Ang Tayong Dalawa ay ang primetime series ng ABS-CBN na umere noong 2009.

Hindi na raw nakapagpaliwanag si Ronwaldo kay Coco na wala naman siyang ginagawang masama that time.

“Pag si Kuya po nagalit, hindi ka na makakapagpaliwanag, e.”

Lumapit lang naman daw sa kanya ang naturang mga bading.

“Oo, yung parang lumalandi, ganun.”

Pinaninindigan ni Ronwaldo hindi siya kailanman pumatol sa bading.

“Opo, hindi pa po.”

Malaki raw ang takot niya sa Kuya Coco niya.

Aniya, “Kasi po sasampalin ako pag nalaman, pati bading mabubugbog pa, e.”

INDIE FILMS. Noong baguhan pa lamang si Coco ay gumawa ito ng sexy at daring scenes sa mga pelikulang Masahista at Serbis.

Sa kaso naman ni Ronwaldo, ang pinakaseksing nagawa niya ay ang pumping scene nila ni Hasmine Kilip sa award-winning film na Pamilya Ordinaryo (2016); pero walang anumang maselang parte ng katawan na ipinakita si Ronwaldo sa naturang eksena.

Paliwanag niya, “Ayaw po kasi ni Kuya, huwag ko na daw po gawin yung mga ginawa niya dati.”

Sa Bhoy Intsik naman ay may eksenang ibinugaw siya sa bading.

Protektado si Ronwaldo ng kuya niya. Sinasabi sa kanya ni Coco ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin, at advantage ito para kay Ronwaldo.

“Opo, sobra po.”

Kahit daw sa pakikipagrelasyon ay ginagabayan siya ni Coco, tulad ng pag-iwas sa pambubuntis ng babae.

“Pinag-aano niya po ako... sabi niya magproteksyon daw po ako, ganun!” natatawang sabi niya.

Alam daw ni Ronwaldo ang tungkol sa paggamit ng condom at withdrawal, kaya sigurado raw siyang walang babaeng magke-claim na naanakan niya.

May non-showbiz girlfriend si Ronwaldo ngayon. Limang taon na ang relasyon nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN