Bong Revilla sends chocolates to detained Senator Leila de Lima, says Lani Mercado

IMAGE Facebook

Lani Mercado on husband Bong Revilla's gesture towards Senator Leila de Lima: "All I can say, Senator Bong sent her chocolates with a note. Mabait ang asawa ko. Iyun lang ang masasabi ko. He has a good heart."


Ibinahagi ni Bacoor Mayor Lani Mercado na hindi pa nagkrus ang landas ng mister niyang si former Senator Bong Revilla at ni Senator Leila de Lima sa loob ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Idinetena si Bong sa PNP Custodial Center—mula June 20, 2014 hanggang sa kasalukuyan—dahil sa kasong plunder.

Si De Lima ay naaresto at na-detain sa PNP Custodial Center nitong February 24, 2017, dahil sa kasong may kinalaman diumano sa illegal drug trade.

Ayon kay Lani, ikinatuwa niya nang mabalitaang pinadalhan ni Bong si Leila ng tsokolate kamakailan.

Kuwento ng Bacoor mayor, “Hindi ko pa po siya nasisilip doon, e.

“Ang alam ko, hindi pa siya handa, yun ang pagkakasabi sa amin.

“All I can say, Senator Bong sent her chocolates with a note.

“Mabait ang asawa ko. Yun lang ang masasabi ko. He has a good heart.”

Ayon pa rin kay Lani, hindi niya alam kung ano ang eksaktong mensaheng nakasaad sa note na ipinadala ng kanyang mister sa senadora.

Pero gusto lang daw iparating ni Bong kay Leila na kumapit lang ito sa Diyos sa gitna ng pinagdadaanan nitong pagsubok ngayon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa 47th birthday party ng brother-in-law niyang si Cavite Second District Representative Strike Revilla.

Kahapon, March 2, ginanap ang selebrasyon sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

PRAYING FOR SENATOR DE LIMA. Dito ay sinabi ni Lani na ipinagdarasal din niya ang detained senator.

Ito ay sa kabila ng kaalamang si Leila ang tumayong Department of Justice (DOJ) Secretary nang makasuhan ng plunder si dating Senator Bong Revilla noong June 2014 dahil sa pagkakasangkot diumano nito sa pork barrel scam.

Pahayag ni Lani, “I’m really praying for her..

“Nakita ko may nag-comment na hypocrite daw ako.

“Hindi po. I’m really praying for her kasi she’s alone in her section.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, si Senator Bong at si Senator Jinggoy, magkasama. She’s alone.

“I don’t know if she has family. I don’t know if she has children.

“I know her partner is not with her. So, I’m really praying for her.

“Kasi sa side naming pamilya, buo ang family support, very strong.

“Ako, nandito bilang asawa, nandiyan ang mga anak namin, ang apo namin, pati ang mga kapatid.

“So, at this point in time, at her lowest moment, kailangan talaga ng family support and friends around her. Yun ang kailangan.”

Tuwing Linggo ay may prayer service sina Bong kasama ang kanyang pamilya sa PNP Custodial Center. Posible kayang maimbitahan dito si Leila?

Seryosong sagot ni Lani, “Walang problema para sa amin. She’s welcome.

"Anybody is welcome to visit Bong in Crame. It’s almost in one area.

“Sabi ko nga nung speech ko nung Monday, nothing is impossible with God.

“Malay mo, bakit siya dun dinala? It might be an opportunity na magkaroon ng friendship ang mga tao na nandoon, at hindi imposible yun.

“Hindi ko nakitaan ng maling kaganapan dun kung mangyayari mang ganun.”

CAMPAIGN AGAINST DRUGS. Sa kabilang banda, sinuportahan ni Lani ang inilunsad na Duterte Against Drugs (DAD) campaign ni Representative Strike Revilla kasabay ng 47th birthday party nito.


Kaugnay nito, naimbitahan ng DAD Chairman na si Dinky Doo na maglaro ng volleyball game ang ilang showbiz personalities na sina Glydel Mercado, Alma Concepcion, Jaycee Parker, at Sharmaine Suarez.

Ito raw ang kanilang paraan upang suportahan ang kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa droga.


Pahayag ni Lani, “Sa akin, ang importante, I have pledged my support to President Duterte because of his manner of treating everything sa pakikipaglaban sa droga, sa krimen, lalo na dahil halos lahat na krimen ay associated with drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakikita po natin ang pakikipaglaban niya rito. Kaisa po kami.

“Kung meron mang pagbatikos, siyempre I cannot please everybody.

“Ang mahalaga ay buo po ang paniniwala namin sa kanyang kampanya.”

Ang tinutukoy ni Lani ay ang espekulasyong kaya umano nakikipag-alyansa ang kanilang pamilya kay Pangulong Duterte ay dahil sa kaso ni Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN