Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina not closing doors to joining showbiz

IMAGE Noel Orsal

Handa na si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na subukan din ang pag-aartista. Aniya, "Lahat ng mga beteranong artista sana maka-work ko soon. And ma-explore ko yung pagiging magaling nilang artrista at mahawaan nila ako."


Nakabawi na raw si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa stress at pagod na kanyang naramdaman dahil sa Miss Universe 2016 pageant, na idinaos dito sa Pilipinas nitong nakaraang Enero.

Umabot hanggang Top 6 si Maxine sa most prestigious international beauty pageant.

Dahil recharged na siya, handa na raw siyang suungin ang anumang oportunidad na maaaring maibigay sa kanya.

Pahayag ng Pinay beauty queen, “Soon, it will be another journey for me.

“So, stay tuned. So, abangan niyo kung ano ang magiging pasabog ni Maxine Medina in the next few months.

"So, you will be surprised.”

Gusto rin ba ni Maxine na pasukin ang showbiz, gaya ng ibang beauty queens na pagkatapos ng kanilang reign ay sumabak sa pag-aartista?

Sagot ng 26-year-old beauty queen, “I hope so, sana meron.

"I’m not closing my doors for that.

“Well, let’s see kung anong magandang offer and then let’s explore.

“I’m willing to try anything. I’m open naman.

“Lahat ng mga beteranong artista sana maka-work ko soon.

“And ma-explore ko yung pagiging magaling nilang artista at mahawaan nila ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxine sa Converse Spring-Summer 2017 Face-Off #OOTD event kagabi, March 2, sa Shangri-La Plaza Mall, Ortigas Center, Mandaluyong City.

Isa si Maxine sa mga modelong rumampa suot ang gown na gawa ni Rhett Eala.


LONGTIME BOYFRIEND. Matagal na ang relasyon ni Maxine sa model at aspiring actor na si Marx Topacio.

Binalak na kaya nila ang magpapakasal?

Sagot ni Maxine, “Wala pa, more years pa, hindi pa puwede.”

Kamakailan lang ay sumbak na rin sa aktingan ang kanyang boyfriend. Kasama ito sa cast ng Kapuso primetime series na Encantadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN