Robi Domingo dismisses rumor linking him to Sandara Park

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on ex-girlfriend Gretchen Ho: "Just like what we said, our doors are open for each other, and that's the best part. Hindi kami bitter sa isa't isa."


Nagtataka si Robi Domingo kung bakit nauugnay siya ngayon sa international K-Pop star na si Sandara Park.

Ilang araw matapos mapabalitang naghiwalay na sina Robi at Gretchen Ho, lumabas ang usap-usapang idini-date umano ng Kapamilya male TV host si Sandara.

Nang makausap ng PEP. ph (Philppine Entertainment Portal) si Robi sa grand presscon ng upcoming Kapamilya talent reality show na I Could Do That, na ginanap sa Studio 10 ng ABS CBN compound kahapon, March 2, binigyang-linaw niya ang nasabing isyu.

Pahayag ni Robi sa pagkaka-link sa kanya sa dating 2NE1 member, "I don't know, we are good friends.

"And kung anuman ang ano niyo, it's not true.

"Let's give the respect that she deserves 'cause she has given honor sa atin, kahit nasa ibang bansa siya.

"I think yun ang kailangang ibinigay natin sa kanya.

“And, at the same time, ibigay natin ang same respect kay Gretchen 'cause she's one great person."

STILL FRIENDS. Pagkatapos nito ay pinutol na niya ang usapin tungkol kay Sandara, kaya napako ang panayam sa dati niyang kasintahan.

Magkaibigan pa rin naman daw sila ngayon at yun ang mahirap mawala sa pagitan nila.

Ayon kay Robi, "Yes, we are.

"Just like what we said, our doors are open for each other, and that’s the best part.

“Hindi kami bitter sa isa't isa.

"Yes, on my end, I'm so hurting and so hard for what happened.

“Sana maayos kasi she's really a great person."

THE BREAKUP. Sa puntong ito ay naungkat ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Gretchen.

Dahil isa sila sa pinaka-ideal na couple sa showbiz, marami ang nabigla sa balitang nagdesisyon silang magkanya-kanya muna ng landas

Ayon sa dating PBB housemate, "There's a fine line with me with being unfair, e.

"Siguro unfair kung hindi ko pagbibigyan ang trabahong ito na kailangan kong mahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero mas magiging unfair kung hindi ko maibibigay yung time na deserved niya."

Ibig bang sabihin nito ay hindi niya kayang isakripisyo ang ilang trabaho upang bigyang oras ang kanyang personal na buhay?

Sabi ni Robi, "Personally, mas kailangang bigyan namin ng priority kung ano ang mga nangyayari sa buhay namin, kasi ito yung hinihintay namin, e."

Tumanggi namang sumagot si Robi nang tanungin kung kailan sila naghiwalay.

Pakli niya, "Ibigay na niyo sa amin yun... ibigay niyo na.

"Well, understanding naman siya, it was a mutual decision.

"What happened to us is yun, yung statement na ini-release namin last night [March 1].

"So much has been going on, ang dami niyang projects sa News department.

“Ako, I have this [I Can Do That], at may mga inilalatag na projects.

"We are just so happy and blessed, so we decided na wala talagang time to grow... yung relationship namin."

Dugtong pa niya, “We talked about it.

"Hindi naman yung nagsabi siya o ako ang nagsabi.

"It's a mutual decision talaga.

"Wala talagang third party."


Stories We Are Tracking

Gretchen Ho tweets amid rumored breakup with Robi Domingo
Gretchen Ho tweets amid rumored breakup with Robi Domingo
Gretchen Ho to clarify rumored split with Robi Domingo soon
Gretchen Ho to clarify rumored split with Robi Domingo soon
Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Robi on split with Gretchen:
Robi on split with Gretchen: "I'm still hurting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN