Alex Gonzaga defends sister Toni amid weight-loss issue

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga defends sister Toni from bashers amid weight loss issue: "Payatin talaga kami. It just so happened na yung anak niya, sobrang hilig sa gatas. Hindi naman siya yung walang conscious na magpapayat. Yun yung ini-explain namin before na post-partum siya."


Ayaw nang palakihin pa ni Alex Gonzaga ang isyu tungkol sa pagbagsak ng timbang ng ate niyang si Toni Gonzaga.

Pinuna ito ng followers ni Toni sa Instagram nitong nakaraang linggo matapos niyang mag-post ng litrato ng resulta ng pinaka-latest niyang timbang.

May caption ito na: “I keep losing and Seve keeps gaining... #breasfeeding #pumpitup #lowestivebeen #needtoeatmore

Read: Toni Gonzaga responds to bashers of her weight loss

Si Seve ang five-month old baby ni Toni at ng asawa nitong si Paul Soriano.

Karamihan sa bashers ni Toni ang nagsabing tila mas concerned pa yata ang Pinoy Big Brother host sa kanyang pagkabanidosa kaysa sa kalusugan ng kanyang anak.

Tila naalarma rin ang iba dahil base sa 96.8 lbs. na reading sa weighing scale, ito na raw yata ang pinakamababang timbang ni Toni.

Pero mayroon din namang pumuri sa mabilis na pagbalik sa dati niyang timbang at pangangatawan.

HEREDITARY TRAIT. Depensa ni Alex sa kanyang kapatid, “Wala akong masasabi kasi hindi naman niya gusto yun.

“Payatin talaga kami.

“It just so happened na yung anak niya, sobrang hilig sa gatas.

“Hindi naman siya yung walang conscious na magpapayat.

“Yun yung ini-explain namin before na post-partum siya.”

Read: Toni Gonzaga reveals weight gain and physical changes caused her postpartum depression

Dagdag niya, “Yun yung mga last year pa na kakapanganak pa lang niya, hindi pa niya nalu-lose yung baby weight.

“Saka ever since naman, bago pa siya mabuntis, mas payat naman talaga yung ate ko kaysa sa akin.”

WEIGHT GAIN. Itinanggi rin ni Alex ang mga puna tungkol sa pagkabanidosa umano ni Toni.

Saad niya, “Hindi naman niya iniisip yun.

“Hindi naman namin napag-uusapan ng ate ko yun.

“Hindi naman namin naiisip.

“Kasi alam naming hindi isyu sa kanya yung mga ganun.

“Ako nga tumataba ngayon,” baling niya sa sarili.

“Hindi ako lumalampas sa 100 lbs.; usually 96 or 98 lbs. lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, 106 lbs. na ako.”

Naalarma ba si Alex dahil sa timbang niya ngayon?

Tanggi niya, “Hindi naman.

“Ayaw ko lang magaya kay Mommy Pinty.

“Lagi kasing sinasabi ng mommy ko, ‘Oy, kaano kita.’

“Pero kasi nagdyi-gym ako ngayon.

“Pag nagdyi-gym, bumibigat talaga, kasi nagiging muscles na.

“So, parang nagugulat din ako, 'Bakit ganun?'”

Paglilinaw pa ni Alex, “Hindi naman kami vain.

“Nagkakalaman na nga ako ngayon, e.

“Hindi na payat ang tawag sa akin.”

NOT ANOREXIC. Itinanggi rin ni Alex na may pagka-anorexic silang magkapatid dahil sa payat na pangangatawan nila ngayon.

Sambit pa nito, “Anorexic?

“Kita mo nga, kumakain nga ako habang ini-interview mo!” natatawang pahayag ni Alex, na kumakain ng chips habang ini-interview.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa presscon ng bagong reality show ng ABS-CBN na I Can Do That, kunsaan sila ni Robi Domingo ang hosts.

Ginanap ang presscon nitong Miyerkules, March 1, sa Studio 10 ng ABS-CBN compound habang isinasagawa ang taping ng programa.

Ilan sa celebrity players na kalahok sa challenge ay sina Pokwang, Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Arci Muñoz, at Gab Valenciano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN