Alex Gonzaga wants Mikee Morada to be the last man in her life

IMAGE Screen grab from Magandang Buhay

Alex Gonzaga on settling down with boyfriend Mikee Morada: "Nagsimula sina Direk Paul, twenty-three years old ang ate ko, kaya sila inabot ng eight years. Pero kami, nasa late 20's na kami. So, siguro pinakamatagal na... ayaw kong bigyan ng pressure si Mikee, pero binigyan ko na siya ng deadline. Charot!"


Ayaw magsalita nang patapos ni Alex Gonzaga, pero gusto niyang ang non-showbiz boyfriend niyang si Mikee Morada na ang huling lalaking mamahalin niya.

Saad niya, “Siyempre, kung sino yung lalaking ini-entertain mo, kung sino yung lalaking makakasama mo, nakakarelasyon mo, gusto mo yun na yung pangmatagalan at panghabambuhay.

“Hindi ko siya binibigyan ng pressure, pero sana siya na nga. Chos!”

Kung si Alex daw ang masusunod, ayaw niya ng matagalang boyfriend-girlfriend relationship.

Paliwanag niya, “Siguro hindi namin gagawin yung parang sa ate ko.”

Pitong taon at kalahati tumagal ang romantic relationship nina Toni Gonzaga at Paul Soriano bago sila ikinasal.

Ayon kay Alex, “Nagsimula sina Direk Paul, twenty-three years old ang ate ko, kaya sila inabot ng eight years [as boyfriend-girlfriend].

“Pero kami, nasa late 20’s na kami.

“So, siguro pinakamatagal na... ayaw kong bigyan ng pressure si Mikee, pero binigyan ko na siya ng deadline. Charot!

“Siguro mga thirty-one years old ako, doon ako pakakasal.”

MIKEE'S ENDEARING QUALITIES. Hindi raw nahirapan si Alex na ilapit ang boyfriend niya sa mga magulang niya.

Pagtukoy pa niya sa qualities ng kasintahan, “Very magalang naman kasi si Mikee.

“Ang ate ko lang yung medyo nung dulo lang niya natanggap, nung medyo nakikilatis na niya na mabait naman talaga yung tao.”

Ano ang nagustuhan ni Alex kay Mikee?

Kuwento niya, “Si Mikee, hindi ko nagustuhan noong una.

“Kaibigan ang tingin ko sa kanya.

“Yun talaga siguro ang maganda muna. Lahat ng ideals ko, wala sa kanya.

“Tapos, later on, nung magkasama kami, parang na-attach na ako sa kanya, na hindi mo nga siya nakikita as boyfriend, akala mo nga friends kayo, parang, 'Ewan ko, hindi ko alam.'

“Siguro yun nga yun, na yung hindi mo gusto, yun ang ibibigay sa iyo ni Lord.”

Patuloy pa niya, “Cute naman si Mikee.

“Ang kapogian niya ay universal para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, gusto ko mga chinito. Kaya ibang-iba talaga.

“Siyempre, ayoko rin ng tiga-showbiz.

“E, nagku-commercial din siya, tapos si PJ [Piolo Pascual]. Nung ipinakilala siya sa akin ni PJ, ang tingin ko lang sa kanya, friend.

“So, nung nakilala ko siya at ang dami pala naming common friends, tapos ang bait ng family niya...

“Hindi ko alam, e. Basta, parang when you love someone, you don’t know it, you just feel it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN