Kathryn Bernardo hospitalized; lab results are good, says mom

IMAGE Instagram account of Kathryn Bernardo (Kathryn) / Twitter account of Min Bernardo (right frame)

Kathryn Bernardo was hospitalized earlier this morning, March 5, according to her mom Min Bernardo, who took to Twitter to inform Kathryn's fans. Although she didn't disclose what Kathryn was sick of, she posted a few hours later, saying that her daughter's lab tests are good.

 


Naospital ang ABS-CBN Teen Queen na si Kathryn Bernardo.

Ibinalita ito ng kanyang inang si Luzviminda "Min" Bernardo sa kanyang Twitter post kaninang umaga, March 5.

Bagamat wala siyang binanggit na detalye tungkol sa pagkakaospital ng anak, nagpost ito ng litrato kunsaan makikitang may dextrose na nakakabit sa kamay ng 20-year-old actress.

Saad niya sat wet, “get well soon anak”

Limang oras pagkalipas ng nauna niyang tweet, nirepost ni Mommy Min ang isang TV commercial ng aktres at sinabi niya ritong maayos ang naging lab results ni Kathryn.

Tweet niya, “Thanks God for the good lab result of @bernardokath”

Kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Kathryn ang shooting para sa bago niyang pelikulang Can't Help Falling In Love kasama ang ka-love team niyang si Daniel Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN