Kris Aquino figures in minor accident while taping for new show

IMAGE Instagram account of Kris Aquino

Kris Aquino figured in a minor accident earlier today, March 5, while taping for her new show Trip Ni Kris. A metal fence fell on her left foot while she was feeding free range chickens.


Nasangkot sa isang minor accident ang Queen of All Media na si Kris Aquino habang nagte-taping para sa kanyang TV comeback.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram account (@krisaquino) ngayong hapon, March 5.

Nauna siyang nagpost ng isang video collage ng mga ginawa niya sa Nueva Ecija para sa programa niyang Trip ni Kris, kunsaan ang background music ay ang kantang “Healing” ni Deniece Williams.

Sa caption naman niya ipinaliwanag ang aksidenteng nangyari sa kanya kung saan nahulugan siya ng metal fence sa paa habang nagpapakain ng mga manok.

Kuwento niya, “Na cut short ang taping ng #TripNiKris. You know me, favorite ako ng weird accidents.

“While touring the organic lettucefarm in Bongabon, Nueva Ecija, and while feeding the free range chickens, nahulugan ang left foot ko nung metal fence in the cover picture.

“Siempre camera was rolling so tiniis ko. Pero OMG, ang bigat & my left foot absorbed the full weight.

“Thank you Dr. Niño Buenaventura from the ER of Immaculate Conception Medical Center for taking care of me.

“Thank you to my producer Tita Dory Morales for being compassionate & letting me go home so that I can rest my foot for the next 2 days for the swelling & bruising to subside.”

 

Sa sumunod na video na kanyang ipinost ay makikitang ginagamot na ang 46-year-old TV-movie personality.

Dito ay makikitang ikinikuwento niya sa kasama ang nangyari sa kanya.

Sabi niya, “Super! Metal ba naman na ganun kakapal ang maglanding sa paa. Yung fence, yung metal fence yun yung bumagsak sakin. Ang laki kaya ng bruise.”

Bagamat naaksidente na ay nagawa pang magbiro ni Kris sa gumagamot sa kanya.

Pagtukoy niya sa nurse, “Ang fit niya, oh. Tapos kanina, ayaw pa niya akong gamutin!

“Nagpapicture pa muna siya sa kin. Inuna niya yung pagpapapicture. Maliligo ako, sabi niya, wait pa picture muna tayo. So ngayon ang sakit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinayuhan naman siya na magpahinga muna sa loob ng 24 oras. Dahil dito ay kailangan niya munang umuwi at magpahinga.

“Rest. No movement muna for 24 hours. And now because of this, sorry sa mga kalabaw at sorry sa mga tilapia, hindi na tayo magme-meet, uuwi muna ako,” kanyang pagtatapos.

Video explanation of what happened. Haaaayyyy. ????????????????

A post shared by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

Nagsimulang mag-taping ang TV host para sa kanyang bagong show noong Biyernes, March 3. Ito ay nakatakdang umere sa March 26, 2017 sa GMA-7 bilang blocktimer.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino reveals date of her TV comeback
Kris Aquino reveals date of her TV comeback
Which TV network will air Kris Aquino's new show?
Which TV network will air Kris Aquino's new show?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN