McCoy de Leon confirms his interest to court Elisse Joson

IMAGE Noel Orsal

McCoy de Leon on courting Elisse Joson: "Siyempre may mga bagay dapat yung tamang way… yung blessing po ng magulang, ganoon po. Kasi sa panahon ngayon, may mga text, may Facebok, tapos sila na, pangit naman po yun. Sabihin nating pinapahalagahan ko talaga siya."


Higit pa raw sa inaasahan ni McCoy de Leon ang pagkakapanalo nila ng kapwa niya Hashtags member na si Nikko Natividad bilang 6th Big Placer sa Pinoy Big Brother Big Night noong Sabado, March 4.

Aniya, “Sobrang hindi ko talaga in-expect kasi alam ko… any time puwede na kaming ma-evict.”

“Alam namin na ano, e, parang may natubos na kami, parang napakita na namin lahat.

“Yun pala, yung tao, marami pa palang gustong makita po sa amin.

“Kaya ayun, dumating siguro kami sa dulo at nakakatuwa ring isipin…

“Yung prosesong yun, marami po kaming matutunan, lalo na po sa sarili po namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si McCoy bago magsimula ang first part ng announcement ng winners ng 7th Edition PBB Big Night, na ginanap sa Alonte Arena, sa Biñan, Laguna, noong March 4.

SOMETHING SOMETHING. Kumusta naman ang status nila ng nali-link sa kanyang si Elisse Joson?

Tugon ni McCoy, “Yung po sa amin ni Elisse… parang marami pa rin po ang nagtataka.

“Nandoon pa rin po kami sa point na... kasi dati po nagkakahiyaan.

“Ngayon, si Elisse, medyo kumportable na nga po, pero nandun pa rin sa point… hindi pa rin puwede.

“Inuunti-unti pa rin namin sa ngayon, siyempre may mga bagay, dapat yung tamang way.”

Ano ba ang tamang way para kay McCoy?

“Siguro po yung mas proper way… kung anuman, na ligawan muna, ganoon po.”

Nanliligaw pa lang ba siya kay Elisse o sila na?

“Yun nga po, e, parang parating pa lang sa ligaw,” nag-aalangang sagot ni McCoy.

“Ayokong sabihin na wala, napakita naman namin sa PBB na meron kaming parang something.

“Pero masaya kami sa nangyari po sa amin, parang overwhelmed lang po siguro kami.

“Kaya pasensiya rin siguro kung yung iba nami-misunderstood nga kung anuman meron.

“Pero nandoon pa rin naman kami sa tamang way para magkaroon ng something po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tamang way po siguro kung magiging pormal na po ako sa panliligaw sa kanya.

“Mas maayos, mas dapat importansiya yung blessing po ng magulang, ganoon po.”

FORMAL AND HEALING. Ibig sabihin, pormal na siyang manliligaw kay Elisse sa bahay nila?

Tugon ni McCoy, “Opo, yun naman po talaga ang dapat.

"Kasi sa panahon ngayon, may mga text, may Facebok, tapos sila na, pangit naman po yun."

Mahal na mahal na ba niya talaga si Elisse?

“Oo nga po, tinanong din ako niyan ni Kuya.

“Sabi ko, 'Kuya, siyempre maraming daan ‘yan, e.'

“Parang mahirap ding sabihin na ganoon, pero sabihin nating pinapahalagahan ko talaga siya. 

“Ayoko na maramdaman niya ulit yung mga naranasan niya na hindi maganda, yun po.

“Yung mga hindi magandang nangyari sa kanya noon sa PBB, ayoko pong mangyari ulit yun sa kanya.

“Gusto ko po na ako ang maging daan para makalimutan po niya, sana naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN