Vina Morales says Piolo Pascual gets her vote for sister Shaina Magdayao

IMAGE Noel Orsal

Vina Morales on younger sister Shaina Magdayao's relationship with Piolo Pascual: "If they are for each other, I'll be happy. Mauunahan pa niya ako!"


“Alam mo, ang gulo nilang dalawa!”

Ito ang naging komento ni Vina Morales nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon ng nakababatang kapatid na si Shaina Magdayao sa Kapamilya hunk na si Piolo Pascual.

“Magulo sila, but I know that they care for each other,” natatawang sabi ni Vina sa panayam sa kanya ng entertainment reporters matapos ang launch ng bago niyang album, Vina: XXX, nitong Lunes ng gabi, March 6.

Sabi pa ng singer-actress, “It's so obvious, e. Ngayon nga lang sila naging open talaga, di ba?

“They're always together with the family and all that.

“Their feelings towards each other, hindi ko masabi kung magla-last ba yung whatever they have—in a relationship or whatever they call it.

“Pero yung respeto nila, yung friendship nila, talagang makikita mo na nandiyan sila para sa isa't isa.

“Bigyan man natin yun ng malice or what, nandiyan yung pagiging magkaibigan nilang dalawa.

“Ayaw kong bigyan ng hindi magandang pag-iisip kasi they're both happy naman and they're enjoying each other's company.”


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual happy about relationship with Shaina Magdayao
Piolo Pascual happy about relationship with Shaina Magdayao

PIOLO HAS VINA'S VOTE. Kung sakali, boto raw si Vina kay Piolo para maging brother-in-law.

“Boto ako kasi mabait naman na tao.

“At saka sino ba naman ako para maging hindrance sa kanilang pagtitinginan sa isa't isa, di ba,” sabi niya.

Dagdag na paglalarawan niya tungkol kina Piolo at Shaina, “Nakikita ko naman ang closeness nila.

“Ayaw ko naman hadlangan yun kasi happy naman sila.

“I don't know what they have. Basta sila ay nagkakaintindihan, okay na ako.

“Basta kami, sumusuporta lang sa kanila.

“Whatever they have, I don't really mind.

“Basta ako, bilang ate, nandiyan ako para gabayan siya at suportahan siya.”

Sa tingin ba ni Vina ay sina Piolo at Shaina na ang magkakatuluyan?

Hindi ito direktang sinagot ni Vina.

Sabi lang niya, “I always believe if they're meant for each other, wala tayong magagawa and no one can stop it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If they are for each other, I'll be happy. Mauunahan pa niya ako!”

Boto ba si Vina Morales na maging brother-in-law si Piolo Pascual?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

VINA'S LOVE LIFE. Samantala, dahil kasama sa Vina: XXX ang kantang “Lagay ng Puso,” tinanong ng reporters ang tungkol sa lagay ng puso ngayon ni Vina.

Tumangging magbigay ng anumang detalye si Vina sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Marc Lambert.

Ang nasabi lang niya, “Yung lagay ng puso ko ngayon, mas gusto ko ang tahimik. Masaya po ako.

But I've decided that I want my personal [life] to be private this time para walang gulo.

Mas happier that way. I am happy.

It's better na mas tahimik na lang at hindi masyadong napapag-usapan.”

Gayunman, gustong sabihin ni Vina ang title ng isang kanta niya sa Vina: XXX, ang “Eres Mio,” sa kanyang boyfriend at sa anak na si Ceana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN