Robin Padilla finally gives blessing to daughter Queenie and Pakistani son-in-law

IMAGE Instagram (@robinhoodpadilla)

Queenie Padilla was overwhelmed by the warm welcome of dad Robin Padilla and her family to her Pakistani husband, Usama Mir. The couple have been married for four years but it is only now that they got the blessing of Robin. 


Apat na taon pagkatapos nilang maikasal, sa wakas ay nakapamanhikan na ang Pakistani husband ni Queenie Padilla sa ama nitong si Robin Padilla.

Nitong weekend ay sunud-sunod ang pagpu-post ng aktor ng videos sa Instagram ng “pamamanhikan” ng mister ni Queenie na si Usama Mir sa pamilya Padilla.

“Nauna man daw ang kasal mauuwi pa rin sa pamamanhikan," simula ng caption ni Robin sa kanyang video posts.

Dagdag niya, “Maraming salamat Sa Panginoong Maylikha sa biyaya ng gabing ito Ika 4 ng Marso taon ng 2017 kahit naging masakit sa ulo ang pagiging spokening dollar naging simbolo naman ito ng iisang pamilya sa ilalim ng Nag iisang Dios, umapaw ang pagkakaisa ng ibat ibang kultura kahit magkakaibang lahi at pananampalataya.”

Sa pinakahuling video na ipinost ni Robin, mapapanood si Queenie na umiiyak dahil sa mainit na pagtanggap ng pamilya sa kanyang mister.

Pahayag ni Queenie, “Thank you, everyone for coming here and for Papa… for organizing this really nice sweet welcome party.

“It makes me really happy that you have welcomed him with an open heart.”

Naiiyak pa niyang sabi, “I didn’t expect this.”

Maririnig din si Robin na sinasabi kay Queenie, “Ikaw ang magdadala sa akin sa langit.”

Pahayag naman ng asawa ni Queenie, “I’m also very happy to have her in my life. I’m also getting kind of emotional.

“You said she’s happy, I’m also very happy to have her in my life.

“And I will try my best to make her happy till I die.”    

Si Queenie Padilla—na ngayon ay may Muslim name na Mashel Khadija Mir—ay ikinasal kay Usama Mir noong September 2012.

Sa kabila ng pagiging artista noon, pinananatili ni Queenie ang pagiging pribado ng kanyang buhay.

Si Queenie ang panganay sa apat na anak ni Robin sa dating asawang si Liezl Sicangco, na ngayon ay naka-base sa Australia kasama ang dalawa pa nilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa Pilipinas naman ang pangalawa nilang anak na si Kylie Padilla, na kamakailan ay inamin ang engagement sa boyfriend na si Aljur Abrenica.

Kasalukuyang buntis si Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN