Rep. Vilma Santos-Recto opposes re-imposition of death penalty

IMAGE Facebook photo of Vilma Santos-Recto

Batangas Representative Vilma Santos-Recto says her decision to oppose the re-imposition of death penalty is based on the opinion of her constituents.


Nanindigan si Batangas Representative Vilma Santos-Recto na bumoto ng “no” para sa pagpasa ng panukalang batas para maibalik ang death penalty.

Ito ay sa kabila ng matinding pressure mula sa Kongreso.

Isa si Vilma sa 54 miyembro ng Kongreso na sumalungat sa pagbabalik ng death penalty.

Habang 217 kongresista ang bumoto ng “yes” para maipasa na ito sa third reading.

Isa naman ang nag-abstain sa ginanap na botohan kahapon, March 7.

Sa statement na inilathala sa Facebook page ni Rep. Vilma Santos-Recto, ipinaliwanag ng actress-politician ang kanyang pananaw tungkol sa House Bill 4272, na naglalayong ibalik ang death penalty para sa drug-related offenses.

Ayon sa kongresista, ang desisyon niya ay base sa mga opinyong nakalap niya mula sa kanyang mga kababayan.

Pahayag ni Vilma, “Masugid akong sumangguni sa aking mga kababayan tungkol sa pagsasabatas ng Death Penalty.

“On their behalf, I say an adamant NO to the re-imposition of Death Penalty.”

Diin pa niya, “I fully understand the consequences of not supporting this bill, but in the question of life and death, our conscience prevails. Life is simply not ours to take.”

Dahil sa pagsalungat ni Vilma na maipasa ang panukalang batas para maibalik ang death penalty, matatanggal siya bilang chairman ng Civil Service and Professional Regulation committee.

Ito ay alinsunod sa patakarang iminungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez para sa mga sasalungat na maipasa ang House Bill 4272.

Bukod kay Vilma, bumoto rin ng “no” sina former President at ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at former First Lady at ngayo'y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Na-abolish ang death penalty sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo noong 2006.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN