Tikom pa ang bibig ni Anne Curtis tungkol sa mga preparasyon para sa nalalapit na pagpapakasal nila ng fiancé niyang si Erwan Heussaff.
Sa thanksgiving presscon ng It’s Showtime sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, kahapon, March 7, nagpaunlak ng iilan lamang na katanungan si Anne tungkol dito.
Aniya, “Actually, we’re gonna start planning this coming Easter holidays.
“So, that’s the time na we will start planning.”
Kasama ba sa wedding entourage ang mga co-host niya sa It’s Showtime?
Tugon ni Anne, “Hindi naman siguro lahat will be part of the entourage, pero meron po.”
Paniniguro pa ng actress-TV host, ngayong taon mangyayari ang kasal nila ni Erwan.
“It will happen this year,” sabi ng 32-year-old Kapamilya star.
Noong November 2016 na-engage si Anne kay Erwan sa New York.
