Kiko Estrada finally fulfills promise to late grandfather Paquito Diaz

IMAGE Kiko Estrada Instagram

Kasabay ng sixth death anniversary ng kanyang lolo na si Paquito Diaz, dinalaw ni Kiko Estrada ang puntod nito upang ipakita at ipagmalaki rin ang mga napanalunan niyang awards bilang isang aktor.


Pagkatapos ng anim na taon ay natupad na ni Kiko Estrada ang kanyang pangako sa yumao niyang lolo na si Paquito Diaz.

Ito ay ang ipakita at ipagmalaki ang mga napanalunan niyang awards bilang isang aktor.

Si Paquito ay kilalang character actor na madalas gumanap na kontrabida sa mga pelikula ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.


Si Kiko naman ay anak ni Cheska Diaz, panganay na anak ni Paquito, mula sa dati nitong karelasyong si Gary Estrada.

Noong Lunes, March 6, ay nag-post si Kiko ng larawan mula sa pagdalaw niya sa puntod ng kanyang maternal grandfather.

Bitbit ni Kiko ang dalawang tropeyo na napanalunan niya: ang German Moreno Youth Achievement Award mula sa FAMAS Awards noong 2015 at ang katatanggap lang niyang Outstanding New Best Actor award mula sa World Class Excellence Japan Awards para sa teleseryeng Sinungaling Mong Puso.

Si Kiko ang unang apo ng kanyang Lolo Paquito, kaya sobrang close at spoiled daw siya rito.

Noong nabubuhay pa raw ang kanyang lolo, sinabi ni Kiko na kung mananalo siya ng Best Actor award ay ipapakita at ipagmamalaki niya ito kaagad.

Pero hindi na ito nangyari iyon dahil bago pa manalo ng awards si Kiko ay sumakabilang-buhay na si Paquito noong March 3, 2011.

Ang pagbisita ni Kiko sa puntod ng kanyang lolo ay hindi lang daw para i-share dito ang kanyang achievements, kundi ang ipagdasal din ang ika-anim na death anniversary nito.

Kahit sobrang busy ngayon si Kiko sa kanyang training para sa telefantasya ng GMA Network na Mulawin vs. Ravena, hindi raw niya nakakalimutang bisitahin ang puntod ng kanyang lolo.

Ito ang buong post ng 21-year-old actor noong March 6:

“Pasensya na inabot ako ng anim na taon para matupad ang pangako ko sayo.

“Masaya ako dahil mabibisita na kita palagi. Miss na miss na kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam kong nasa magandang lugar ka ngayon. Pero minsan nananalangin ako na sana nandito ka... para makausap kita... para gabayan mo ako sa larangan ng pag arte at lalo na sa mga pagsubok ng buhay.

“At dahil gusto kong makita yung reaksyon mo kapag binigay ko tong mga award sayo. Di mo alam kung ilang beses ko ng pinagisipan kung ano ang magiging reaksyon mo.

“Mga simpleng bagay lang gaya nun ang importante sakin. Mga alala na iniwan mo... mga tinuro mo sa akin. At ang pag mamahal mo sa pamilya natin.

“Kontra-bida ka sa mga mata ng iba... pero bida ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN