Former actress Maggie dela Riva wants rape to be included in death penalty

IMAGE Screenshot from TV Patrol

Maggie dela Riva on re-imposition of death penalty: "It should not be limited to drug-related cases. All heinous crimes, regardless of whether drug-related or not."


Isa ang dating aktres na si Maggie dela Riva sa dismayado sa panukalang batas para maibalik ang death penalty sa Pilipinas.

Naging biktima ng rape si Maggie noong 1967.

Ang apat na akusado sa krimen ay pinatawan ng death penalty ng Supreme Court noong 1971.

Sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual kay Maggie, sinabi ng dating aktres ang pagkadismaya niya sa bagong panukalang ibalik ang parusang kamatayan.

Ang House Bill 4272 ay naglalayong maibalik ang death penalty para sa drug-related cases lamang.

Hindi kasama rito ang iba pang krimen tulad ng rape, murder, kidnapping, at plunder.

Ayon sa 74-year-old actress, ayaw na sana niyang magbigay ng anumang panayam tungkol sa kanyang karanasan dahil, “We don't seem to be serious, you know.

"I mean, urong-sulong, urong-sulong. Kaya I stopped giving interviews."

Tungkol sa bagong panukala, kung saan nilimitahan lamang sa drug-related cases ang death penalty, sabi ni Maggie, “It is skirting the issue. They don't want to make a bold stand.

“Hindi napasok yung rape, hindi napasok ito... so many things.

“So what happens is, wala nang natitira.

“It should not be limited to drug-related cases.

“All heinous crimes, regardless of whether drug-related or not.”

Bagamat nakapasa na ito sa Kongreso—kung saan 217 ang pabor, 54 ang hindi pabor, at isa ang nag-abstain—umaasa pa rin si Maggie na magkakaroon ng pagbabago sa panukalang batas pagdating nito sa Senado.

Nais ni Maggie na maisama pa rin ang kasong rape sa mga dapat patawan ng parusang kamatayan.

Aniya, “I have already forgiven. But forgiveness does not mean that you will not allow the law to take its course.

“Yung actions nila, pagbabayaran nila because you have a ghetto society.

“The laws of God used the man-made laws to carry His will.”

Noong panahong nangyari ang krimen kay Maggie, kung saan halos kauumpisa pa lang ng pamumuno ni former President Ferdinand Marcos, legal pa ang capital punishment o pagpatay bilang parusa sa ginawang krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-abolish ito nang maging pangulo ang yumaong si Corazon C. Aquino, sa pamamagitan ng binagong konstitusyon noong 1987.

Ibinalik naman ito sa administrasyon ni Fidel V. Ramos noong 1993, sa pamamagitan ng Republic Act 7659.

Kabilang sa mga krimeng maaaring patawan ng parusang kamatayan ay heinous crimes, tulad ng murder, rape, drug trafficking, kidnapping, treason, plunder, robbery, at iba pa.

Nang umupo bilang presidente ang ngayo'y Pampanga reprensentative na si Gloria Macapagal-Arroyo, iniutos niya ang pag-abolish ng death penalty.

Isa si PGMA sa mga tumutol sa pagpasa ng House Bill 4272 na pinagbotohan sa Kongreso kahapon, March 7.


Stories We Are Tracking

Rep. Vilma Santos opposes re-imposition of death penalty
Rep. Vilma Santos opposes re-imposition of death penalty


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN