Gladys Reyes retains MTRCB post despite new administration

IMAGE Noel Orsal

Gladys Reyes on new MTRCB Chairperson Rachel Arenas: "Parang gusto niya, ituloy lang. But at the same time, meron lang ilang aspeto na updating. Yun ang gustung-gusto ko sa kanya, very open siya sa mga suggestions namin. Napaka-humble na tao."


Ikinagulat ng aktres na si Gladys Reyes ang pananatili niya bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito ay sa kabila ng pagpapalit na administrasyon at pagtatalaga kay Rachel Arenas bilang bagong chairperson ng MTRCB, kapalit ni Atty. Toto Villareal.

Anim na taon nang nanunungkulan bilang MTRCB board member si Gladys, na nagsimula noong 2011 nang si Grace Poe-Llamanzares pa ang namumuno sa ahensiya bago ito tumakbo bilang senador.

Ayon kay Gladys, “Basta kasi ako, sabi ko nga, from the first time na na-appoint ako, hindi ako yung parang nagpa-padrino pa para makapasok.

“Nagulat na nga lang ako nang makatanggap ako ng phone call kay Chair Grace, if I was willing nga to be a board member.

“Ako naman, without hesitation, umoo ako.

“Ang sa akin naman, in my own little way, ito na yung pagbabalik ko sa industry natin.

“Bata pa lang ako, nandito na ako. So, parang contribution ko rin.

“Lalo na nga nang maging magulang ako, maging parent ako.

“Siyempre, kapag nagri-review ako, I always wear my parent’s hat.

“Whenever you're in doubt, isipin mo lang, ‘Teka, okay ba 'to na mapanood ng anak ko?’

“Ang una mong iko-consider, sa sarili mong anak.”

Patuloy niya, “Siyempre, blessed din na until now, nandito ako.

“Happy rin kasi ako sa ginagawa ko, at gusto ko itong ginagawa ko. Bukod pa sa profession ko na pag-aartista."

MEETING THE CHAIRPERSON. Kuwento ni Gladys, nagri-review raw siya noong una niyang makita ang bagong chairperson ng MTRCB sa tanggapan ng kanilang ahensiya.

“Noong makasalubong ko si Ma'am Arenas, napaka-pleasant. She's very accommodating.

“At ang gusto ko sa kanya, nase-sense mo agad ang respeto niya sa kapwa-tao niya.

“Walang kayabang-yabang, walang kaere-ere. To think na nag-aral pa siya sa abroad, yung mga achievements niya.”

Dagdag niya, “Tapos, ang gusto ko pa sa kanya, di ba, tinatanong siya kung ano ang gusto niyang baguhin, parang sabi niya, ‘If it's not broke, why fix it?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ganun yung mga sinasabi niya, more on… mas gusto niyang ipagpatuloy on what we started.

“Magmula kay Chair Grace hanggang kay Chair Toto... ‘Matalinong Panonood’ program namin.

“Nakakatuwa rin na marinig sa kanya na, yun nga, from the past years, parang wala namang controversy sa MTRCB, naging maayos ang pamamalakad.

“Sa totoo lang, dumami pa ang mga projects, yung mandate namin to protect the children and family and, at the same time, yung healthy relationship sa place of work, parang everybody happy, napanatili namin.

“Kaya parang gusto niya, ituloy lang.

“But at the same time, meron lang ilang aspeto na updating.

“Yun ang gustung-gusto ko sa kanya, very open siya sa mga suggestions namin.

“Napaka-humble na tao. Para sa akin, nakakatuwa."

Mismong si Chairperpson Arenas pa raw ang nagpaalala sa kanya na nagkakilala na sila dati sa Central Church ng Iglesia Ni Cristo, kung saan naimbitahan daw si Rachel at isa naman si Gladys sa usherettes.

Sabi pa ng aktres, “Pero alam mo, nagulat ako na ni wala akong naramdaman na pagkailang kay Chair Rachel, kahit sa unang meeting namin.”

MOCHA USON. Ayon pa kay Gladys, halos kumpleto ang kanilang attendance sa unang board meeting nila. 

Tatlo lang daw ang hindi nakarating sa board members, kabilang na si Mocha Uson.

Pagdating naman sa isyu na kinasasangkutan ni Mocha, kaugnay ng pagiging MTRCB board member nito, minabuti ni Gladys na hindi na lang magsalita tungkol dito.

Aniya, “Basta ako, ang stand ko lang diyan, merong due process.

“Hindi overnight na pinagdedesisyunan ang isang maselan na bagay tulad ng SPG. 

“Dumaan sa masusing pag-aaral lahat.

“And sana, i-discuss ang lahat sa proper forum, yun lang.”


Stories We Are Tracking

Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
MTRCB head Rachel Arenas refutes Mocha Uson's claim
MTRCB head Rachel Arenas refutes Mocha Uson's claim
MTRCB chair Arenas reacts to Mocha Uson's threat to resign
MTRCB chair Arenas reacts to Mocha Uson's threat to resign
Mocha Uson answers tirades of EA Guzman and Ogie Diaz
Mocha Uson answers tirades of EA Guzman and Ogie Diaz

Nabanggit din ni Gladys sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sana ay maitama ang impresyon na tila magulo sa MTRCB ngayon.

Aniya, “Hindi naman totoo yun. Yun kasi ang naririnig ko sa mga taga-labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako, madalas ako ngayon sa office dahil hindi naman ako nagsu-soap ngayon, so ako mismo sa office, payapang-payapa naman. Organisado namang lahat.

“Siguro, kaya lang sila naguguluhan dahil lang sa ilang certain issues ngayon.

"Pero walang kaguluhan sa loob ng ahensiya namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN