Ina Raymundo denies being obsessed with staying sexy

IMAGE Instagram

Do you think Ina Raymundo, 41, is obsessed with staying sexy? The actress explains that she just wants to be a role model when it comes to fitness. 


Sinagot ni Ina Raymundo ang isang netizen na tinawag siyang "obsessed" sa pagpapa-sexy.

Komento ng netizen (@elma2451) sa isang Instagram post ng sexy actress: “Grabe obsessed Sa pagpapa sexy”

Sabi naman ng 41-year-old actress, gusto niyang alagaan ang kanyang pangangatawan at maging magandang ehemplo sa lahat ng nag-eehersisyo.  


Marami ang namamangha kay Ina dahil napapanatili nito ang kanyang kaseksihan kahit lima na ang anak.

Sa katunayan, siya ang nasa cover ng 17th anniversary issue ng men’s magazine na FHM.

Tampok din si Ina sa pinakabagong TV commercial ng isang brand ng beer, na nagtampok din sa kanya noong 1995 at kung saan siya nakilala bilang "Sabado Nights" girl.

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN