Marc Pingris still very vocal about his feelings for wife Danica Sotto

IMAGE Danica Sotto Instagram

Danica Sotto on 10th wedding anniversary with husband Marc Pingris: "Na-overwhelm ako na to the point na nahihiya ako, na hindi mo deserved ang lahat na ibinibigay sa 'yo, pero napakabait pa rin ng Diyos na pinagbibigyan Niya tayo sa lahat ng bagay."


Masayang ibinahagi ng basketbolistang si Marc Pingris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ideya niyang magkaroon sila ng renewal of vows ng kanyang misis na si Danica Sotto-Pingris sa kanilang 10th wedding anniversary.

Kuwento niya, “Ako po yung nagplano nun. Itong January lang.

“Kasi si Danica busy kaya ako nag-asikaso.

“Pero habang nagpa-practice ako, siya na ang nag-asikaso ng lahat.

“Akin talaga yung ideya na renewal of vows, kasi 10 years, e.”

Natuloy na nga ito nung nakaraang Sabado, March 4, na ginanap sa Antonio’s Fine Dining sa Tagaytay City, Cavite.

Read: Danica Sotto and Marc Pingris exchange I dos for the second time

Ayon naman kay Danica, simpleng seremonya lang ang renewal of vows nila na sinaksihan ng kani-kanilang pamilya.

Aniya, “Maiksi lang kasi yun sa wedding talaga.

“Walang ninang, ganun, prayers lang, yung exchange of vows lang talaga.

“Meron kaming honoring the parents. Nagsalita kami ng mensahe namin sa magulang namin na pasasalamat sa kanila.

“Wala lang yung daddy ni Marc kasi sa France, hindi na nakauwi.

“Pero kumpleto sila—mommy ko, stepdad, daddy ko, si Pauleen.”

Si Danica ay panganay sa dalawang anak ng dating mag-asawa na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Si Vic ay kasal na sa actress-TV host na si Pauleen Luna.

Si Dina naman ay may bago na ring mister sa katauhan ni Ilocos Sur Representative DV Savellano.

Ang ikinatuwa lang daw nina Marc at Danica ay kasama na ang dalawa nilang anak na sina Anielle Micaela and Jean Michael, na kasama rin nilang nagmartsa bago sinimulan ang seremonya.

RENEWAL OF VOWS. Doon lang daw nila napagtanto na mas nakakakaba at mas emotional silang dalawa sa renewal of vows kung ikukumpara nung nagpakasal sila sampung taon na ang nakararaan.

Sabi ni Marc, “Parang ganun din, pero aminin ko, mas kabado ako nitong renewal namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siguro lahat masaya, happy, ganun. Sobrang in love, di ba?”

Dagdag ni Danica, “Nung una, tumatawa na kami ni Marc.

“Nung naglalakad na ako, pinagtawanan ko pa siya, kasi sabi ko nga, feeling ko, ‘Ano ba ‘yan, hindi naman ‘to kasal, vows lang, ganyan.’

“Pero parang nung nag-exchange na kami ng vows, parang nakakaiyak pala.

“Kasi nung dati, nung ikinasal kami, magkahalong kaba lang, kasi bata pa kayo.

“Ngayon, ang nararamdaman mo, pagpapasalamat sa Diyos, sa mga taong nakapaligid sa ‘yo, sa mga tumulong na hindi okay…

“I mean, hindi perfect ang pagasama, kumbaga, umabot kami ng 10 years.

"Siyempre, sa harap ng mga anak mo, gagawin mo yun, napaka-meaningful.”

AFTER ALL THESE YEARS. Isa raw sa ikinatuwa at ipinagpasalamat ni Danica sa Diyos ay hindi nagbabago ang pagtingin ni Marc sa kanya.

Kaya hangad nila parehong maging forever ang kanilang pagsasama.

Saad ng TV host-actress, “Masayang-masaya na eto pa, na after how many years, very vocal pa rin ang asawa ko sa emotions niya para sa akin.

“Actually, ang pinaka na nararamdaman ko talaga is more of pasasalamat.

“Na-overwhelm ako na to the point na nahihiya ako, na hindi mo deserved ang lahat na ibinibigay sa ‘yo, pero napakabait pa rin ng Diyos na pinagbibigyan Niya tayo sa lahat ng bagay.”  

May natutunan din daw sila sa pinagdaanan ng mga magulang nilang hindi nag-succeed ang pagsasama, at ayaw nilang mangyari ito sa kanila.

Sabi ni Danica, “Yun talaga yung prayer namin na forever na talaga.

“Kasi, pareho kaming nanggaling sa family na, of course, may pinagdaanan, hindi ganun ka-perfect.

“Pero nandiyan na kami ni Marc na binuo ni God.”

Patuloy niya, “Si Daddy, masaya na rin. Si Mommy, masaya na rin.

“Iba-iba lang ang paraan ni God, pero kapag Siya ang nagsulat ng love story mo, maganda, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Laging ina-advice ako nina Daddy, ni Mommy, mommy ni Marc, na huwag naming tularan ang mga nagawa nilang pagkakamali.

“Kumbaga, learn from their mistakes.

“Lahat naman na nangyari sa kanila, may purpose.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN